Mark Jimenez pilantropo na
January 12, 2006 | 12:00am
GRADUATE na nga ba sa politika si dating Manila Representative Mark Jimenez? Alam na ng marami ang sad story ni MJ (tawag kay Jimenez) sa pulitika kaya hindi na natin idi-detalye.
Nakatutuwa ang balitang nagdonasyon si MJ ng P5 milyon mula sa kanyang bulsa bilang tulong sa mga biktima ng malaking pagbaha sa Calapan, Mindoro Oriental. Habang nagbabangayan ang mga pulitiko kasabay ng pangungurakot ng maraming mapagsamantalang opisyal ng pamahalaan, heto siyat tumutulong sa mga kababayan nating naghihirap. Hindi sa pinupuri ko si Jimenez pero hindi ba ang ginagawa niyay ang dapat gawin ng mga opisyal nating nakaluklok sa kapangyarihan?
Nagsagawa pa ng spiritual retreat si MJ sa Malabalay, Bukidnon kasama ang mga miyembro ng Nagkakaisa sa Diyos, Nagkakaisang Pilipino. Itoy samahang si MJ mismo ang bumuo. Palatandaan ba ito na tapos na siya sa pulitika at magko-concentrate na lang sa pagiging pilantropo? Nai-release na ni MJ ang bahagi ng kanyang tulong pinansyal para pambili ng mga relief goods na agarang kinakailangan ng mga residenteng nawalan ng tahanan, namatayan at nawalan ng kabuhayan sa naturang probinsya.
Sa paglabas ng kolum na ito, marahil ay nasa Calapan na si MJ para personal na pangasiwaan ang pamamahagi ng mga pagkain, gamot at iba pang pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad na isasagawa bukas (Biyernes). Maaaring ituturing ng iba na maliit na halaga ang naibigay ni MJ pero iyan ay mula sa kanyang sariling bulsa. Bakit hindi tumbasan iyan at higitan ng mga nakaluklok sa kapangyarihan at nagpapasasa sa sikwat na yaman?
The irony of it all, May mga international organizations na tumutulong pagdating ng mga kalamidad. Pero ang halagang ibinibigay ng mga itoy kinukurakot pa rin ng ilang unscrupulous individuals na walang konsensya.
Sana ngay magsimula na ang pagkakaisa ng mga leader sa pulitika para unti-unti man ay maiba-ngon na natin ang ating nalugmok na bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended