Dalangin para sa bansa
December 11, 2005 | 12:00am
HINDI muna ako tatalakay ng usaping medikal ngayon para bigyang-daan ang dalanging ginawa ni Direk Heidi Sison. Ang dalanging ito ay naaangkop sa kasalukuyang nangyayari sa ating bansa.
Maraming salamat po Panginoon sa ibinigay ninyong pagkakataon para malakas kaming makapagpahayag
Sa pamamagitan nito, nananalangin kami na maging ganap na matapang ang mga Pilipino para gumawa ng mga pagbabago na makapagpapabuti sa kalagayan ng bansa Maging instrumento nawa kami ng inyong taglay na karunungan
At ngayong araw na ito aming ipinahahayag na
Magkaroon ng liwanag sa puso ng mga Pilipino habang isinisiwalat nila ang katotohanan
Magkaroon ng kamalayan ang bawat isa sa maaari nilang gawin upang mapanatili ang liwanag na ito
Magkaroon ng tatag ng loob sa pagharap sa mga hamong dumarating sa bawat araw, bawat minuto at bawat sandali
Magkaroon ng karunungan ang lahat ng lider at mga tagasunod sa ating paglalakbay tungo sa kaliwanagan
Magkaroon ng tunay na kaayusan at balanse sa pagitan natin at sa bawat isa sa atin
Magkaroon ng tunay na mamamayan ng Pilipinas na huwaran ng magandang Pilipino at hindi ang uri ng Pilipino na ipinakikita natin ngayon
Magkaroon ng tunay na pag-asa at kalinawan ng pananaw habang naglalakbay tayo tungo sa kinabukasan
Magkaroon ng patnubay mula sa Itaas upang tayo ay maging kasangkapan ng Maykapal
Magkaroon ng tiyaga at kasinupan sa ating pagtahak sa landas ng kaliwanagan
Magkaroon ng pagbibigayan at tapat na pagpapahalaga sa kapwa habang tinutungo natin ang ating kapalaran
Magkarooon ng ganap na katapatan sa ating paghahayag sa mga pagbabagong nais nating makita
Maniwala tayo sa ating kakayahang magawa at maisabuhay ang lahat ng ito bilang mga anak ng Diyos, bibigyan niya tayo ng mga bagay na kakailanganin natin upang maabot ang ating destinasyon
May karapatan tayong maging mali-gaya, malusog, puno ng biyaya at may dunong
Magkaroon sana ng pagkakataong mai-balik sa tamang oras at balanse ang lahat ng mga tahanan, institusyon, himpapawid, mga anyo ng tubig at pag-iisip ng lahat ng mga mamamayan sa Pilipinas
At mangyayari iyon

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended