^

PSN Opinyon

Trial by publicity vs GMA

- AKSYON NGAYON Ni Al G. Peroche -
ALAM ba ninyo na sa South Korea at iba pang bansa, may mga dating leader na nakalaboso dahil sa mga katiwaliang ginawa nang sila’y nasa kapangyarihan pa? Hindi sila ipinagsakdal nang sila’y nasa tungkulin porke ito’y makaka-apekto sa operasyon ng pamahalaan. Iyan nga ang rason kung bakit sa ilalim ng ating Konstitusyon, may immunity from suit ang Pangulo. Ang immunity ay proteksyon hindi ng taong nanunungkulan kundi ng bansa na puwedeng mapahamak kapag ang namumuno ay ipinagsakdal sa ano mang kaso. Bakit hindi ganyan ang gawin kay Presidente Arroyo sa harap ng mga mabibigat na paratang ng pandaraya at katiwalian laban sa kanya?

Bukas, magsisimula na ang "paglilitis" sa Pangulo ng tinatawag na "people’s court" ng Citizens Congress for Truth and Accountability (CCTA). Ano na naman kayang nakaliligalig na kontrobersya ang ibubunga nito?

Nangangamba akong dahil diyan, mabulabog muli ang gawain ng gobyerno matapos umigi nang bahagya ang takbo ng stock market at unti-unting lumalakas ang piso. Epekto raw iyan ng implementasyon ng EVAT. Kahit mapait sa panlasa natin iyan at atin pang binatikos sa nakalipas nating kolum, naririyan na at wala na tayong magagawa. Mag-hands-up na lang muna and give it the benefit of the doubt. Pero kung magtutuluy-tuloy ang krisis sa pulitika, baka hindi na natin madama ang inaasam na kaunting ginhawa. Matatandaan natin na sumadsad ang halaga ng piso sa kainitan ng impeachment proceedings laban sa Pangulo kasabay ng mga imbestigasyon ng Senado sa mga sinasabing katiwaliang kinasangkutan niya.

Totoong karapatan bawat mamamayan na magprotesta at bumuo ng mga kilusan tulad ng CCTA para halungkatin at ilabas ang katotohanan tungkol sa mga bintang sa Pangulo, hindi naman kikilanlin ng umiiral na batas ang ano mang findings o ihahatol nito sa Pangulo. Mayroong mga legal na institusyon para diyan.

Pero malaking dagok ang maaaring ibunga nito sa kalagayang pampulitika na ang malubhang maaapektuhan ay ang taumbayan. Wala mang legal personality at ang magiging hatol ay hindi tatanggapin ng batas, magiging paksa sa pahayagan, radyo at telebisyon ang resulta ng gagawing paglilitis ng people’s court na natitiyak kong hindi paborable sa Pangulo at magdaragdag lang ng gatong sa galit ng taumbayan sa leader ng bansa. Hangga’t naririyan ang galit na iyan, mauudlot muli ang pag-usad ng bansa sa kaunlaran.

vuukle comment

ANO

BAKIT

CITIZENS CONGRESS

PANGULO

PERO

PRESIDENTE ARROYO

SOUTH KOREA

TRUTH AND ACCOUNTABILITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with