^

PSN Opinyon

Niluwa na, kinain uli

SAPOL - Jarius Bondoc -
LUMILINAW na ang lahat: Ang FBI secret files pala na ninakaw nina Leandro Aragoncillo at Michael Ray Aquino mula Enero ang mismong nagbunsod ng mga kilos Oposisyon para pabagsakin si Gloria Arroyo. Malilinang ito sa mga nilalaman ng dokumentos.

Ayon sa news, ang secret files ay mga intelligence gatherings at pag-aanalisa ng US embassy sa mga kaganapan sa bansa. Kasama rito ang mga ulat ni chargé d’affaires Joseph Mussomeli na lumulubog ang popularidad ni GMA, ni political officer Andrew MacLearn na may dalawang balaking kudeta, at ng FBI agents sa Manila na mahinang pinuno si Vice President Noli de Castro at hati-hati ang Oposisyon.

Nakakatawa ang mga ulat na ito dahil malamang na sa Oposisyon din nanggaling ang mga detalye. Estilo kasi ng US diplomats at agents na makipag-kape sa mga Oposisyon (kahit saang bansa). Sa mga kapihang ito tiyak na ibinulong ng sari-saring paksiyon ang kanilang impormasyon at kilos. Sinubo malamang ng Oposisyon ang surveys nu’ng Abril tungkol sa disgustadong publiko kay Arroyo. Kinatha rin ang kuno’y mga kudeta, at ang mababang pagtingin kay VP Noli. At ipinahiwatig ang pagka-inis nila sa isa’t-isa: Cory Aquino vs Imee Marcos vs Kaliwa vs mga trapo (Nene Pimentel, Ping Lacson, Francis Escudero, Ronnie Zamora).

Ang nangyari kumbaga, ang impormasyong naging batayan ng US embassy reports, na tinatakang "secret", ay galing mismo sa Oposisyon.

Pasok naman si Aragoncillo, kaibigan nilang baon sa $500,000-utang. Sa pamamagitan ni Aquino, na hinala ay tagabayad, ninakaw ang secrets at pinadala sa Oposisyon. Kinilig naman ang huli na magkatulad ang basa nila at ng Kano sa sitwasyon. Ang sinuka nilang impormasyon ay kinain nilang muli nang di nalalaman. At saka sila nagplano.

Kaya pala nang pumutok ang Gloria-gate tapes, sigaw agad nila ay bumaba sina Arroyo at Noli, imbis na magharap agad ng impeachment. Kaya pala naghihintay sila sa kalye ng kudeta na hindi naman dumating. Kaya pala pilit silang nagsama miski hindi magkaisa. Amoy suka sila!

vuukle comment

CORY AQUINO

FRANCIS ESCUDERO

GLORIA ARROYO

IMEE MARCOS

JOSEPH MUSSOMELI

KAYA

LEANDRO ARAGONCILLO

MICHAEL RAY AQUINO

OPOSISYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with