^

PSN Opinyon

Bawas balot, bawas basura para sa malinis na estero!

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
(Unang bahagi)
ARAW-ARAW ay may nalilikhang 6,000 toneladang basura sa Metro Manila kung saan karamihan ay galing sa mga kabahayan. Taun-taon naman ay nililinis ang 330 kilometro ng mga ilog at estero na natatanggalan ng humigit-kumulang sa anim na toneladang basura. Ito ang maruming katotohanang bumubulaga sa atin araw-araw.

Ang basura ay isang problemang nararapat pagtulungang solusyunan ng pamahalaan at ng mga mamamayan. Kung kaya naman ngayong Setyembre, lalo pa’t Philippine Clean-Up Month ay pinaiigting ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), sa pangunguna ng Environmental Management Bureau (EMB), at ng mga regional offices nito, ang kampanyang "Bawas Balot, Bawas Basura Para sa Malinis na Estero". Sa kampanyang ito, ka-partner natin ang mga tagapamahala at mga vendors’ association ng mga palengke, sa paghihikayat sa mga mamimili na gumamit ng bayong upang mabawasan ang paggamit ng labis-labis na pambalot sa mga pinamimili. Ang mga "plastik" na pambalot kasi ay bahagi sa tone-toneladang basurang bumabara sa ating mga ilog at estero.

Kaugnay nito, isang seremonya para sa paglalagda ng Memorandum sa Kasunduan ng "Bawas Balot, Bawas Basura" ang ginanap sa San Juan nitong Setyembre 14. Nilahukan ito ng DENR, sa pamamagitan ng EMB at ng tanggapan nito sa National Capital Region (NCR), mga tagapamahala ng Agora Market at kinatawan ng kanilang Vendors’ Association at mga kinatawan ng iba pang piling mga palengke sa lungsod ng Maynila, Makati at Quezon. Ang mga pamilihang nakilahok sa seremonya, bukod sa Agora Market, ay ang Paco Market, Padre Rada at Asuncion Talipapa, Quinta Market, Pritil Market, Dagonoy Market, Bambang Market, Sta. Ana Market, Arranque Market, Wagas Market, Obrero at Antipolo Market, Dapitan Market, Gagalangin Public Market, L and Y Pamilihan, Inc., Guadalupe Commercial Complex, Poblacion Market, Pio del Pilar Market, Kamuning Market at Murphy Market.

AGORA MARKET

ANA MARKET

ANTIPOLO MARKET

ARRANQUE MARKET

ASUNCION TALIPAPA

BAMBANG MARKET

BAWAS BALOT

MARKET

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with