^

PSN Opinyon

‘Blackmail-extortion ng isang Labor Union leader, hulog sa BITAG…’

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
HULOG sa pinagsanib na puwersa ng BITAG at CIDG-AOCBC ang isang nagpapakilalang labor union leader matapos nitong gipitin at hingan ng malaking halaga ng pera ang isang kilalang kumpanya ng snack food sa Valenzuela City.

Dokumentado ng aming surveillance at concealed camera ang lahat ng transaksyon sa pagitan ng nagpapakilalang labor union leader na si Cezar Oliva at sa representative ng kumpanyang kanyang ginigipit.

Mala-hulidap ang estilo ng pangongotong ni Oliva. Tinatawagan at pinadadalhan nito ng sulat ang kumpanyang kanyang bibiktimahin. Karaniwang panakot nito ang pag-aaklas diumano ng mga labor group sa loob ng kumpanyang kanyang kinokotongan.

Karaniwang biktima ng blackmail-extortion activities ni Oliva ang malalaking kumpanya sa Caloocan, Malabon, Valenzuela at maging sa Bulacan.

Mula P60,000 hanggang kalahating milyon ang singil ni Oliva sa bawat kumpanyang kanyang ginigipit. Kapalit nito ang limang taong katahimikan laban sa panggugulo ng ‘labor group’ ni Oliva.

Pero hindi lang ‘in cash’ ang tinatanggap nitong si Oliva. Maging ang mga pangunahing produkto ng kumpanyang bibiktimahin ay pwede na rin. Ibig sabihin, kahit mga snack foods o ‘yung mga pagkaing bata, mga plastic wares, damit, o kahit anong mapapakinabangan, hindi pinapalampas ng gahamang si Oliva.

Malaking salot sa ating ekonomiya ang katulad ni Cezar Oliva dahil sa katagalan, maaaring mawala lahat ng investors sa bansa dahil sa kanyang kalokohan.

Pero lumalabas sa imbestigasyon ng BITAG, matapos mahulog sa aming patibong si Oliva na wala umanong kinalaman ang labor group na kanyang kinabibilangan sa kanyang blackmail-extortion activities.

Pinipeke lamang ni Oliva ang pirma sa mga papeles na kanyang ipinapadala sa kumpanyang kinokotongan. Hindi ito lehitimong nanggagaling sa labor group na kanyang kinabibilangan.

Kaya ganoon na lamang ang pangangamba ni Oliva ng hamunin siya ng BITAG na tawagan ang presidente ng kanyang grupo dahil hindi nito alam ang milagrong ginagawa ni Oliva.

Alam ng BITAG na hindi ito ang huling pagkakataong may lalapit sa amin para ireklamo ang panggigipit ni Oliva dahil maaari naman siyang makapag-piyansa…

Binabalaan namin ang lahat na maging maingat sa mga ganitong uring sindikato. Oras na makatanggap ng ganitong klaseng panggigipit at pananakot, ilapit agad sa BITAG.
* * *
Hotline numbers, i-text (0918) 9346417 tumawag sa mga numerong ito 932-8919 / 932-5310. Bahala si Tulfo, 9:00-10:30 a.m. UNTV 37, simulcast sa DZME 1530 kHz.

vuukle comment

ALAM

BAHALA

BINABALAAN

CEZAR OLIVA

KANYANG

KARANIWANG

OLIVA

PERO

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with