^

PSN Opinyon

Bumabaha nang todo ang grasya

HALA BIRA - Danny Macabuhay -
TALAGANG seryoso ang oposisyon na ma-impeach si President Gloria Macapagal-Arroyo. Sabi nila, ito na lamang ang tanging paraan. Kailangan ng oposisyon ng 79 na kongresista na pipirma para gawing pormal ang pagsasakdal kay GMA sa mababang kapulungan. Isasampa naman ito sa Senado para makapagsagawa ng impeachment trial. Ganyan ang ginawa kay dating President Erap na hindi naman natapos sapagkat nag-walkout ang mga miyembro ng prosecution panel.

May kalabuan na maiporma ang pagsasakdal kay GMA sapagkat hindi malaman kung ano ang gagamiting complaint sa tatlong nakasumite – ang complaint ni Atty. Oliver Lozano, kay Atty. Jose Lopez o complaint ng oposisyon. Dito pa lang malaking problema na ang idinudulot para sa mga nagsusulong ng impeachment. Kung hindi ito mareresolba, paano maisasakatuparan ang paghaharap ng impeachment case kay GMA.

Problema rin ng mga taga-oposisyon ay kung papaano nila makukuha ang mga kongresista na kaalyado ni GMA para makaipon sila ng 79 na pipirma para ma-impeach ang Presidente. May mga balita na sagana ngayon sa pag-aalaga ang natatamo ng mga kaalyado ni GMA. May mga oposisyon na pumirma na subalit nagbaligtaran naman ang ilan.

Ginaguwardiyahang mabuti ng mga tauhan ni GMA ang kanilang panig upang hindi bumaligtad sapagkat may ilan nang sumama sa oposisyon. Kaya para hindi mabawasan ang kanilang grupo at madagdagan pa ng mga kakampi, binabaha ng grasya ang mga nasa bakuran at mga sasama pa sa administrasyon.

DITO

GANYAN

GINAGUWARDIYAHANG

GMA

ISASAMPA

JOSE LOPEZ

OLIVER LOZANO

PRESIDENT ERAP

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with