^

PSN Opinyon

Pagtitiyaga

ALAY - DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
"KAPAG may tiyaga, may nilaga." Ito ang kasabihan ng mga Pilipino na kinagisnan na natin. Ang tiyaga ay bunga nang malalim na pananalig kaya ang tao ay nagpupursigi. Ito ang buod ng Ebanghelyo sa araw na ito (Mt. 15:21-28).

Si Jesus ay nagpunta sa lupaing malapit sa Tiro at Sidon. Lumapit sa kanya ang isang Cananea at malakas na sinabi, "Panginoon, anak ni David, mahabag po kayo sa akin! Ang anak kong babae ay inaalihan ng demonyo at pinahihirapan." Ngunit gaputok ma’y hindi sumagot si Jesus. Lumapit ang kanyang mga alagad at sinabi sa kanya, "Pagbigyan na nga po ninyo at nang umalis. Siya’y nag-iingay at susunud-sunod sa atin." Sumagot si Jesus, "Sa mga tupang naliligaw ng sambahayan ng Israel lamang ako sinugo." Ngunit lumapit sa kanya ang babae, lumuhod sa harapan at sinabi, "Tulungan po ninyo ako, Panginoon." Sumagot si Jesus, "Hindi dapat kunin ang pagkain ng mga anak upang ihagis sa mga tuta." "Totoo nga po, Panginoon," sagot ng babae, "ngunit ang mga tuta man ay nagsisikain ng mumong nalalaglag sa hapag ng kanilang panginoon." Kaya sinabi sa kanya ni Jesus, "Napakalaki ng iyong pananalig! Mangyayari ang hinihiling mo." At noon di’y gumaling ang kanyang anak.

Dahil sa pagpupumilit o pagpupursigi at kababaang-loob ng Cananea napamangha si Jesus at pinagbigyan ang kahilingan niya. Totoo nga na si Jesus ay sinugo sa mga taga-Israel. Ngunit dahil sa pangangailangan ng ibang mga tao,tulad ng anak ng Cananea, ang kagandahang-loob ni Jesus ay nadala sa mga taga-ibang bayan. Ang paghahandog ni Jesus ng kagalingan sa anak ng Cananea ang naging daan upang ipalaganap ang mabuting balita tungkol kay Jesus.

Ganito rin ang hinihingi sa atin: Ang punan ang kakulangan at pangangailangan ng ibang tao. At sa gayon ay maipalaganap ang paghahari ng Diyos.

CANANEA

JESUS

LUMAPIT

NGUNIT

PANGINOON

SI JESUS

SUMAGOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with