Iwasang kumain nang maaalat para hindi magka-thrombosis
August 7, 2005 | 12:00am
KUNG kayo ay naninigarilyo, mataba (obese) at walang daily exercise, maaari kayong magka-thrombosis. Mahilig din ba kayong kumain nang mga pagkaing may high salt content gaya ng bacon o sausages? Kung oo, kandidato rin kayo sa pagkakaroon ng thrombosis.
Kapag nagkaroon ng buildup ng taba sa mga ugat na dinadaluyan ng dugo, pinakikitid ng tabang ito ang mga ugat na iyon at magkakaroon ng blood clot. Ito ang tinatawag na thrombosis. Mahihirapang dumaloy ang dugo at magiging dahilan din ng iba pang sakit sa puso na kinabibilangan ng atherosclerosis.
Bawasan ang pagkain ng mga maaalat at dagdagan ang pagkain ng mga sariwang prutas at gulay. Hindi rin naman lahat ng taba ay masama sa katawan. May polyunsaturated fats na may omega 3 na tumutulong para hindi lumapot ang dugo at naiiwasan ang blood clots. Makikita ang omega 3 sa mga isdang katulad ng mackerel at tuna. Kumain ng mga isdang ito dalawang beses sa isang linggo.
Ang sibuyas ay sinasabing nakatutulong din para mahadlangan ang masamang epekto ng mga matatabang pagkain. Ang bawang ay nakatutulong para maiwasan ang blood clots. Ang katamtamang pag-inom ng alak ay nakatutulong din para maiwasan ang thrombosis.
Ang panganib sa thrombosis ay nadadagdagan kapag ang tao ay tumatanda. At lalo nang lumalaki ang panganib kung ang isang tao ay walang disiplina sa sarili at patuloy na naninigarilyo at walang daily exercise.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest