EDITORYAL Sana'y may marating ang imbestigasyon sa jueteng
July 30, 2005 | 12:00am
MAY bago na namang witness si Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz. Pagkatapos na mga nauna niyang witness na sina Wilfredo Mayor, Richard Garcia, Abraham Riva at Sandra Cam, may bitbit na namang testigo at ayon sa Obispo, ito ay mas "explosive" sapagkat idinadawit na si President Arroyo sa jueteng. Ang bagong testigo ayon kay Cruz ay kumandidatong governor noong nakaraang eleksiyon subalit natalo. Siya ay mula sa angkan ng mga pulitiko. Ayon kay Cruz, ang bagong witness ang magpapatunay na may nalalaman si President Arroyo sapagkat kaharap ito nang bayaran ang 13 regional directors ng Commisssion on Elections bago ang 2004 elections. Ang perang ibinigay sa mga regional directors ay nanggaling kay Lilia Pineda, asawa ng jueteng lord na si Bong Pineda.
Nakipag-meeting umano si Mrs. Arroyo sa mga regional directors at sa pagkakataon ding iyon iniabot ang tig-P2-milyon bawat isa sa kanila. Ang meeting at ang pag-aabot ng milyones na pera ay ginawa umano sa isang hotel sa Metro Manila. Ang bagong witness umano ay ilang buwan nang nasa United States, ayon pa kay Bishop Cruz.
Matindi na ito. Pagkaraang idawit ng mga naunang witness sina First Gentleman Mike Arroyo, anak na si Pampanga Rep. Mikey Arroyo at Negros Occ. Rep. Iggy Arroyo, ngayon naman ay si Mrs. Arroyo na. Palawak nang palawak ang sakop ng "juetenggate".
Itinanggi naman ni Mrs. Arroyo ang akusas- yon. Sinabi pa niya na sobra na ang ginagawa sa kanyang trial by publicity. Nirerespeto niya aniya ang due process at ang karapatan ng inaakusahan at inaasahan din naman niya na ang kanyang karapatan bilang inaakusahan ay irerespeto rin naman.
Magiging abala na naman ang Senado dahil sa paglutang ng bagong witness. Pero ang tanong ay magkaroon kaya ng resulta ang imbestigasyong ito? Meron na kayang makuhang katotohanan ang taumbayan na matagal nang naghihintay?
Maraming witness na lumulutang pero sa dakong huliy wala ring nangyayari. Pawang daldalan lamang ang nangyayari. Halungkatan ng mga sari-sariling bituka hanggang sa malihis sa tunay na iniimbestigahan.
May paniwala kami na walang patutunguhan ang imbestigasyon sa jueteng. Pawang imbestiga na lang.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended