^

PSN Opinyon

PAIRTF up to July 9 na lang!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SA July 9, isang taon na pala ang Presidential Anti-Illegal Recruitment Task Force ni Director Rey Jaylo sa operation versus illegal recruitment, human trafficking echetera. Congrats sa grupo ni Jaylo! Mabuhay ang PAIRTF!

Ang isyu, sangkatutak palang illegal recruiters ang nakalawit ng mga galamay ni Jaylo matapos magreklamo ang mga biktima sa tanggapan nito sa Rizal Memorial Complex, Malate, Manila. Hindi biro ang accomplishment ng PAIRTF kung ikukumpara sa ibang ahensiya katulad nila. One hundred percent kasi ang nakasuhan todits at nakulong sa karsel.

Kaya naman nalulungkot ang mga kuwago ng ORA MISMO, dahil up to now ay hindi pa binibigyan ng extension ni Prez Gloria Macapagal-Arroyo ang PAIRTF kung magpapatuloy ito sa kanilang pakikipaglaban versus illegal recruiters etcetera.

Dehins pa kasi napipirmahan ni Prez Gloria ang special order ng PAIRTF to operate porke paso na ang standing memorandum ng una sa huli effective July 9. Kung bakit iyan ang dehins alam ng mga kuwago ng ORA MISMO!

Tuwang-tuwa sa galak ang mga gagong recruiter dahil mawawala ang sa landas nila ang anino ni Jaylo oras na dehins pinirmahan ni Prez GMA ang extension ng nasabing task force. Ika nga, mawawala ang tinik sa lalamunan ng mga ogag!

Maganda ang performance ng PAIRTF lalo sa NAIA dahil dehins pinalulusot ni Egay Castro, chief supervisor ng grupo sa airport ang mga ogag dito. Sabi nga, trabaho lang sa PAIRTF walang personalan!

Kahit walang pitsa hindi tinatamad ang mga ito sa pagganap sa kanilang sinumpaang tungkulin. Tama ba, Egay Castro, Sir!

‘‘Dapat bigyan ng extension ang performance ng PAIRTF sa Pinas,’’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Lalala ang illegal recruitment kapag nawala ang PAIRTF,’’ sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Sana Prez GMA pirmahan mo ang extension nito dahil nakakatulong ito nang malaki sa mga ma-e-erap na niloloko ng mga ogag.’’

DIRECTOR REY JAYLO

EGAY CASTRO

JAYLO

PAIRTF

PRESIDENTIAL ANTI-ILLEGAL RECRUITMENT TASK FORCE

PREZ GLORIA

PREZ GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

RIZAL MEMORIAL COMPLEX

SANA PREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with