Walang ebidensiayng nangikil
July 5, 2005 | 12:00am
NAGTATRABAHO si Abet sa PTRC mula pa February 9, 1978. Isa sa kanyang mga katungkulan ay magrekomenda ng mga proyekto sa pagpapaganda at pangangalaga ng kapaligiran ng PTRC. Nagtatrabaho rin doon si Mr. Donato bilang Administrative Officer at Pinuno ng Security. Hindi magkasundo ang dalawa.
Noong January 1991, kinontrata ng PTRC si Vic, isang sign painter, upang pinturahan ang mga trash can, push carts at waste boxes ng kumpanya. Wala silang napagkasunduang presyo. Babayaran lang si Vic pagkatapos ng trabaho ayon sa kanyang kuwenta.
Noong February 15, 1991, sinabi ni Mr. Donato na nilapitan daw siya ni Vic upang mag-report na pinalalabisan daw sa kanya ni Abet ng P1,000 ang kontrata niyang P3,800. Para raw kay Abet iyon. Kundi raw ay wala na siyang makukuhang kontrata pa. Sa imbestigasyon, nabanggit lang ni Vic na "P3,500 lamang ang gusto ko sana, hindi ko alam kung biro o totoo ang sinabi niya." Dagdag pa ni Vic, sinabihan pa raw niya si Abet na: "Lakarin natin ito, ako ang bahala sa iyo."
Batay sa imbestigasyong ito at dahil walang ebidensiyang naiprisinta si Abet sa loob ng tatlong araw na binigay sa kanya, dinismis ng PTRC si Abet dahil sa umanoy pangingikil, pandaraya, masamang asal at pag-abuso sa tiwala. Tama ba ang PTRC?
MALI. Walang diretsa o dokumentadong ebidensiya na nangikil si Abet. Hindi naman tuwiran at tiyak na sinabi ni Vic na pinalalabisan ni Abet ang presyo. Hindi siya sigurado kung nagbibiro lang si Abet. Walang dokumentong nagpapatunay na humiling si Abet ng P1,000. Wala namang purchase order na P3,800 lang ang kontrata ni Vic sa PTRC. Ang ebidensiya laban kay Abet ay walang laman o sustansiya. Kaya ilegal ang pagkakatanggal sa kanya. At dahil nagsara na ang kompanya, dapat bayaran na lang siya ng separation pay ng 13 taon o P114,192. (Philtread Tire etc. vs Vicente, G.R. No. 142759, November 10, 2004).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest