^

PSN Opinyon

Makatwirang lunas

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
UPANG palawakin pa ang kanilang lupa sa isang housing project, hiniling ng GBC isang sekta ng simbahan sa National Housing Authority (NHA) na bilhin pa ang lots 4 and 7 matapos nilang mabili na ang lots 1, 2, 3, 18, 19 at 20 sa Block C-3 CL. Pumayag ang NHA at inabisuhan ang GBC na mag-file ng aplikasyon. Pinayuhan din ang GBC na huwag pabayaan ang pagbabayad nila sa ibang loteng nabili. Samantala, pinayagan na rin ng NHA field office ang GBC na okupahan ang dalawang lote at maglagay ng mga ‘‘improvements’’ doon matapos isulat sa kapirasong papel ang presyong P90 per square meter o may kabuuang P55,350 para sa dalawang lote. Ngunit makaraan lang ng apat na taon naaprubahan ng pormal ang pagtinda ng lupa sa GBC sa pamamagitan ng isang Board Resolution 2126 kung saan ang nakasaad na presyo ay P700/square meters o P430,500.

Kaya nung ibinigay ng GBC ang P55,350 na presyong unang tinakda ng field office, tinanggihan ito ng NHA dahil wala pa raw nabubuong kontrata sa pagitan nila kaya’t maari nilang ipagbili ang lupa sa kasalukuyang presyong umiiral sa merkado. Sinang-ayunan ng Regional Trial Court (RTC) ang NHA at sinabing wala pa ngang kontratang nabubuo kaya dapat ibalik ng GBC ang lots 4 at 7 at magbayad ng renta sa kanilang pag-ookupa. Ayon naman sa Court of Appeals (CA), makatarungan lang na ipagbili ng NHA ang mga lote sa GBC sa halagang P700 per square meter ayon sa board resolution 2126 na hindi pa naman inuurong. Hindi na raw maaari pang magtakda ng ibang presyong umiiral sa merkado ang NHA. Tama ba ang CA?

MALI.
Walang hadlang sa NHA na ipagbili ang lots 4 at 7 ayon sa presyong umiiral, kahit hindi binabawi ang resolusyon 2126. Hindi pa rin naman tinatanggap ng GBC ang nasabing presyo na tinakda sa nasabing board resolution. Kaya wala pang kontratang nabubuo sa pagitan nila kung saan maipatutupad ng GBC na ipagbili sa kanila ng NHA ang mga lote sa presyong P700 per square meter.

Kaya may karapatan ang NHA na bawiin ang lupa pagkaraang makapagbayad pinsala sa GBC para sa mga ‘‘improvements’’ na ginawa nila sa lupa o kaya obligahin ang GBC na bayaran ang lupa sa kasalukuyang presyong umiiral sa merkado.

Ngunit kung ang halaga ng lupa ay higit na mataas kaysa sa presyo ng mga naipagawa ng GBC sa lupa, hindi maoobliga ng NHA ang GBC na bilhin ang lupa.

Maaari lang nilang pagbayarin ang GBC ng renta kung ayaw nilang magbayad pinsala sa mga improvements na tinatag ng GBC sa lupa (NHA vs. Grace Baptist, G.R. 156437, March 1, 2004).

BLOCK C

BOARD RESOLUTION

COURT OF APPEALS

GBC

GRACE BAPTIST

KAYA

LUPA

NATIONAL HOUSING AUTHORITY

NGUNIT

NHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with