^

PSN Opinyon

Paghahanda sa mga kalamidad

HINDI PA TAPOS ANG LABAN - Mike Defensor -
ANG Pilipinas ay tinatawag na Pacific Ring of Fire. Napaliligiran ito ng 300 bulkan at 22 dito ang aktibo. Nakapagitna rin ang bansa sa dalawang nag-uumpugang bato o "opposing plates", ito ang South China Sea Plate at ang Philippine Sea Plate. Ito ang dahilan kung bakit madalas tayong yanigin ng lindol at pagputok ng bulkan.

Ang Pilipinas ay madalas ding dalawin ng bagyo dahil tayo ay nasa tinatawag na "typhoon belt". Ayon sa record ng PAGASA, halos 20 bagyo ang bumabayo sa ating bansa taun-taon. Ito ang dahilan kung bakit mas mataas ang posibilidad ng mga pagbaha at pagguho ng lupa tulad ng nagaganap sa Aurora at Quezon noong nakaraang taon.

Dahil dito, kailangan nating paghandaan ang kalamidad upang maiwasan ang mga trahedyang dulot nito.

Nagsagawa ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng isang malawakang pag-aaral upang tukuyin ang mga lugar na delikado at mapanganib. Sa pamamagitan ng Geohazard Map na ito makakapagplano ang mga ahensiya ng pamahalaan at LGUs upang maging ligtas ang mga residente at maiwasan ang pagkasira ng mga istruktura at mga ari-arian.

Ang resulta nito ay ang tinatawag na Geohazard Map na ipamimigay ng DENR sa lahat ng pamahalaang lokal upang matukoy ng balana ang mga pook na kailangan ang paghahanda lalo na sa panahon ng tag-ulan.

ANG PILIPINAS

AYON

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

GEOHAZARD MAP

MINES AND GEOSCIENCES BUREAU

PACIFIC RING OF FIRE

PHILIPPINE SEA PLATE

SOUTH CHINA SEA PLATE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with