^

PSN Opinyon

Humihilik ka ba ? Subukang mong humiga nang nakatagilid

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
KUNG ikaw o ang katabi mo sa pagtulog ay humihilik maaaring i-try ang mga sumusunod:

1.
Humiga nang patagilid. Ang paghiga nang nakalapat ang likod ay nagiging dahilan para maghilik. Para mapilitang nakahiga nang patagilid, lagyan mo ng tennis ball na nasa medyas ang likurang laylayan ng iyong pajama.

2.
Iwasang gumamit ng unan na makapal. Kapag makapal ang unan, nabe-bend ang ating leeg at nahihirapang lumabas ang hangin na nagiging dahilan para humilik. However, if you elevate your entire upper body with pillows, that may help.

3.
Itigil ang paninigarilyo. Ang paninigarilyo ang nagiging dahilan para mamaga ang tissues sa lalamunan. Nadidisturb ng nicotine ang sleeping patterns.

4.
Iwasang uminom ng alak, sleeping pills at tranquilizers. These relax the muscles of your throat, making snoring more likely.

5.
Gumamit ng saline spray bago matulog. Makakabili ng saline spray sa drugstore o maaari rin kayong gumawa. Mag —mix ng isang cup ng maligamgam na tubig, kalahating kutsaritang asin at pinch ng baking soda. Ang saline spray ay nakatutulong para mabuksan ang nasal passages at makahihinga sa bibig.

6.
Gumamit ng humidifier sa inyong silid tulugan. Low humidity can dry out mucous membranes, increasing irritation and adding to the snoring problem.

7.
Magbawas ng timbang. Ang sobrang taba, lalo na sa dakong leeg ay nagbibigay ng pressure sa lalamunan at pinakikitid ang daanan ng hangin.

DAHILAN

GUMAMIT

HUMIGA

ITIGIL

IWASANG

KAPAG

MAGBAWAS

MAKAKABILI

NADIDISTURB

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with