^

PSN Opinyon

Mga empleyado dumepensa sa Duty-Free chief

- Al G. Pedroche -
‘HUWAG na nilang siraan ang Duty Free Philippines dahil marami kaming benepisyong tinatamasa simula nang maupo si GM Michael Kho." Ito ang nagkakaisang tinig ng maraming empleado ng DFP na sumulat sa atin bilang reaksyon sa nailathala natin tungkol sa diumano’y multi-milyong pisong anomalya.

Ito ay tungkol sa advertising campaign ng DFP na ipinalabas sa CNN Asia at sa isang dayuhang pahayagan na sinasabing dahilan ng multi-milyon pisong pagkalugi ng kompanya. Iminatuwid ng mga kawani na noong 1997 hangggang 2000, ang kompanya ay nalugi ng P2.5 bilyon. Ngunit nang maupo si Kho bilang GM, nagkaroon ng 8 porsyentong pagtaas ang kinikita ng DFP na katumbas ng $142 million. "Sa panahon lamang ni GM Kho umangat ang kabuhayan ng aming tindahan" anang mga empleado sa kanilang nilagdaang sulat.

Inilalathala natin ang panig ng mga DFP employees in the interest of fairness. Anang mga kawani, ang naturang advertising campaign ay masasabing dahilan ng pagtaas ng income ng kompanya dahil maraming dayuhang turista at balikbayan ang naakit mamili sa pangunahing duty free store sa bansa. Dahil daw sa media blitz, di kukulangin sa 2 milyong turista ang dumagsa sa bansa at tinangkilik ang mga tindahan ng duty free.

"Desperadong paninira." Ganyan nila inilarawan ang akusasyong "scam" laban sa naturang kampanya. Anila, may sektor na "galit" sa magandang estado ng DFP at pinipigilan ang pag-asenso pa nito.

Dahil sa pag-asenso ng DFP, maraming benepisyo raw ang tinatamasa nila ngayon. At ito’y dahil sa magandang programa ni Michael Kho. Ergo, ang pagdepensa nila sa management ng DFP ay pagtatanggol din sa kapakanan nila.

Isipin nga naman na kung babagsak ang duty free dahil sa ganyang mga atake, pati sila’y babagsak din. Iyan ang dahilan kung bakit bigay-todo ang suporta at pagtatanggol nila sa kanilang bossing na si Michael Kho.

ANANG

ANILA

DAHIL

DESPERADONG

DFP

DUTY FREE PHILIPPINES

KHO

MICHAEL KHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with