^

PSN Opinyon

Huwag nang bulabugin pa ang GSIS

- Al G. Pedroche -
"TANTANAN na sana ang intriga sa GSIS". Ito ang himutok ng isang kakilala kong empleado ng pamahalaan. Kasi gusto ng isang Mambabatas na imbestigahan ang GSIS. Kesyo lugi at mismanaged daw anang Kongresista. Bulalas ng kakilala ko, anong mismanaged? "Bilyun-bilyong piso ang savings at remittance ng GSIS sa kabang-bayan" dugtong niya. Sa lahat ng mga korporasyon ng pamahalaan, lumilitaw na GSIS lang ang nakatupad sa austerity directive ni President Arroyo, aniya.

OK ilantad ang mga katiwalian sa gobyerno. Pero dapat may basis sa ano mang pagtuligsa at hindi lamang udyok ng personal na galit. Silipin natin ang performance record ng ahensya base sa mga dokumentong ipinakita sa’kin ng aking kakilala. Nagtakda ang GSIS ng target na P737 milyon na dapat tipirin para sa taong 2004. Natapos ang 2004 at nalampasan ng GSIS ang sariling target. Mahigit P1 bilyon ang natipid. Bukod sa P1 bilyong naibigay sa gobyerno, umabot din sa P1 bilyon ang dividend na nai-credit sa mga GSIS members nung 2004 nang mag-decide ang GSIS board na itaas sa 30 percent ang share ng mga kasapi. Nakapagpalabas pa diumano ang GSIS ng P 5 bilyon para ipautang sa mga members.

Kasama sa belt-tightening measure na ipinatupad sa GSIS ay ang pagbabawas ng P160,000 sa suweldo ni GSIS GM Winston Garcia. As of this period, umaabot na sa P2 milyon ang nakaltas ni Garcia sa kanyang suweldo at inilaan na sa kabang-yaman ng bansa. Kung gagayahin ng ibang namumuno sa mga government corporation, marami-raming pera din ang maidaragdag sa national coffer. Inatasan ng pangasiwaan ng GSIS ang mga department heads na magbawas ng 10 hanggang 20 porsyento ng kanilang gastos sa administrative operations kung kayat naka-realize ng malaking savings.

Naniniwala din ang GSIS na bago matapos ang taon, ang lahat ng mga miyembro ng GSIS ay mayroon nang E-Cards para lalung mapabilis ang pag-utang. Isang milyong kasapi na ang may E-Cards at nakautang ng tig-P5,000. This means, may P5 bilyon na ang nailaang pautang ng GSIS sa mga E-Card holders. Tanong ng kakilala ko, bakit pursigido si Rep. Rolex Suplico na tirahin ang GSIS sa pamumuno ni Garcia? Di kaya ito’y dahil bigo ang Solon sa nilalakad na re-insurance ng National Power Corporation? Dugtong ng kakilala ko, "siguro ang dapat imbestigahan ay si Suplico na diumano’y gumamit ng impluwensya bilang Kongresista sa pagbebenta ng lupain sa Kimberly Clark na kinasangkutan ng kanyang mga kamag-anak."

"Hindi ba bago naganap ang bentahan ay kinasuhan ni Suplico ang Kimberly Clark, tapos biglang tumahimik nang magsara ang bentahan?"
dugtong niya.

vuukle comment

E-CARDS

GARCIA

GSIS

KIMBERLY CLARK

KONGRESISTA

NATIONAL POWER CORPORATION

PRESIDENT ARROYO

ROLEX SUPLICO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with