Sugal tigil pero si Luding tuloy!
May 10, 2005 | 12:00am
NATUTUWA ang mga kuwago ng ORA MISMO, porke napatigil kahit pansamantala ng lespu ang dayaan bolahan at iba pang illegal na sugalan sa Pinas.
Sabi nga, No Take Policy sila ngayon!
Naku ha!
Sa Sto. Niño, Pangasinan at Bugias-Mangkayan Benguet kasama na rin todits ang Region 5 tuloy ang saya ng mga lespu todits porke dehins tumigil si Luding sa kanyang vices.
Pasabi ni Luding, dehins siya kayang pahintuin porke nakikinabang ng malaking pitsa sa kanya ang mga lespiak sa nasabing province.
Sa Lucena City, nga pala tumigil ang dayaan bolahan ni Amon dahil sa tindi ng kampanya ng grupo ni Region 4-A bossing Jess "BIGOTE" Verzosa, sa tindi nang warning nito sa mga gambling lords, mga kabo, kubrador, etcetera.
Yumaman nang husto si Amon sa Lucena mula nang magpa-jueteng ito doon. Ano kaya ang masasabi ni Lucena City Mayor Ramon Talaga Jr. todits?
Kamusta nga pala ang drug addiction sa Lucena City at prostitution sa Tayabas, Quezon? Paki-kalampag nga, Jess!
By the way, Jess, nagpapasalamat ang National Press Club sa pangunguna ni NPC Director Jerry Yap sa pagkasakote sa murder suspects ni Polly Poveda. Iba ka talaga, Jess!
Kinatatakutan ng mga kriminal kasi alam nila kung saan sila pupulutin porke kapag nakaharap nila si Jess, tiyak mapapa-Hesus sila.
"Sana maglaho na ang dayaan bolahan sa Pinas," sabi ng kuwagong kubrador ng bookies sa San Lazaro.
"Marami kasi ang lalong nag-eerap sa dayaan bolahan," anang kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Eh paano iyong padulas para sa mga lespu?" tanong ng kuwagong Kotong cop.
"Siyempre alaws na toits tabla ang laban."
"Mabalik pa kaya ang tara sa mga lespu?"
"Iyan ay kung walang political will ang gobyerno."
"Ika nga, ningas cogon ang kampana, este mali, kampanya pala."
"Sige, kamote abangan natin kung sino ang unang bibigay sa jueteng payola."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am