Sinibak ng Philhealth
April 4, 2005 | 12:00am
TATLONG nanlinlang na ospital ang binawian ng Philhealth accreditation.
Unang binira ng Philhealth board of directors ang Ancheta Hospital and Clinic sa Vigan, Ilocos Sur. Nag-file ito ng hospital reimbursements para sa mga pasyenteng hindi naman na-admit, paglabag sa National Health Insurance Act of 1995. Pinahaba pa ang confinement period ng Philhealth patients, at nagsingit ng medicine at laboratory test claims na hindi naman binigay o ginawa.
Ganun din daw ang ginawa ng Tabanera Medical Hospital sa Cagayan de Oro City: Palsipikadong impormasyon ang ibinigay sa Philhealth tungkol sa isang pasyente, at nagke-claim ng hospitalization sa isa pang hindi rin na-admit.
Binawi ang Philhealth accreditation ng Amarille Dominos Hospital sa Surigao City dahil tinanggalan ito ng license to operate ng Department of Health. (Si Health Sec. Manuel Dayrit ang chairman ng Philhealth board.) Nag-file rin ito ng hospitalization reimbursement para sa mga pasyenteng hindi naman nagpa-ospital. Ang ginawa raw palusot ay nalito ang mga pasyente dahil pareho ang may-ari at nagpapatakbo ng Amarille Dominos at ng Grace Christian Clinic and Hospital sa Dinagat Island. Pinabulaanan ito ng Philhealth-CARAGA regional office dahil magkaiba at magkalayo ang dalawang ospital.
Marami nang ospital ang tinanggalan ng Philhealth accreditation dahil sa panloloko ng milyun-milyong piso pera na dapat ay nagamit para sa totoong pang-ospital, pang lab test at pambili ng gamot ng mga kasapi at dependents. Meron ngang isang ospital na nag-claim ng soli-pera para sa hysterectomy pagtatanggal ng matris ng dalawang lalaking pasyente. At ni hindi pa naoospital ang dalawa sa lugar na yon.
Karamihan ng ibang sinibak ay dahil din sa hospital reimbursements ng mga pasyenteng hindi na-admit, at sa pagpepeke ng medicine at lab test claims. Walang kadala-dala ang mga gumaya sa kanila. Mabuti na lang maagap ang claims examiners at field inspectors ng Philhealth,
E-mail: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended