^

PSN Opinyon

15 kalupitang sinapit ni Hesus

SAPOL - Jarius Bondoc -
(Sa dagsa ng pakiusap, inuulit ko ang kolum ko nu’ng Mahal na Araw 2004.)

NU’NG termino ni Pope Clement II (1730-1740) inasam ni Sister Mary Magdalene, ng Order of Santa Clara, mabatid ang paghihirap ni Hesus sa kamay ng mga bumihag sa Kanya nu’ng gabi ng Huwebes hanggang umaga ng Biyernes. Sa dasal pinabatid ni Hesus kay Sis. Mary ang "15 Lihim na Pagmamalupit" sa Kanya:

"Tinuring nila Ako na pinaka-mababang hayop sa mundo, kaya: (1) Ginapos Ako at kinaladkad sa hagdang bato pababa sa nakakaduwal na pusali; (2) Hinubaran Ako at pinagsisipit ng matutulis na bakal; (3) Tinalian Ako nang mahigpit sa dibdib at isinalya sa pader; (4) Isinabit Ako mula sa kisame para lumagapak sa lupa. Sa pahirap na ito napaluha Ako ng dugo; (5) Itinali Ako sa poste at pinagtutuklap ng sibat ang Aking balat;

(6) Pinagpapalo Ako ng bato at pinaso ng nagbabagang uling; (7) Pinatayo nila Ako sa umaasong bakal na kalasag; (8) Pinutungan Ako ng koronang tinik at piniringan ng pinaka-maruming tela; (9) Isinalampak Ako sa upuan na puno ng nakausling pako na bumaon sa Aking hita; (10) Pinatuluan ang mga sugat Ko ng pinakulong tingga at alkitran, at iniupo Ako muli sa mga pako, kaya lalo itong bumaon sa Aking laman;

(11) Bilang pagmamaliit pinagkakarayom nila ang namamaga Kong balat na pinagsasabunutan ng balbas; (12) Itinali Akong mahigpit sa krus hanggang hindi na Ako makahinga; (13) Pinagtatapakan Ako sa ulo nang malugmok sa lupa; (14) Isa sa kanila ay pumilas ng tinik mula sa korona at itinurok sa Aking dila, tapos sinalaksak sa bibig Ko ang dumi ng hayop; at (15) Iginapos ang kamay Ko sa likod at, habang binabambo, kinaladkad Ako palabas ng piitan."

Pinasya ni Pope Clement II na ipaalam ang 15 lihim na kalupitang sinapit ni Hesus para lang tubusin ang mundo mula sa kasalanan. Ilan dito ay nilahad na sa pelikula. Sa pagkabatid nito, maraming nagbabalik-loob sa Diyos sa pagkabatid ng pagmamahal Niya sa atin.

AKO

GINAPOS AKO

HESUS

HINUBARAN AKO

ISINABIT AKO

ISINALAMPAK AKO

ITINALI AKO

ITINALI AKONG

KANYA

POPE CLEMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with