^

PSN Opinyon

Ang otolaryngologist

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
IPIKIT ang mga mata at isipin kung ano ang itsura ng tao kung wala siyang ulo. Nakakatawa di ba? Importanteng parte ng katawan ang leeg na nag-uugnay sa ulo at iba pang bahagi ng katawan. Dito pumapasok ang siyensiya ng otolaryngology. Familiar na tayo sa mga doktor na cardiologist, nephrotologists at iba pa, pero kakaunti lang ang nakaaalam sa otolaryngologist. Isang doctor na linya ng panggagamot ay ang tenga, ilong, lalamunan at iba pang istraktura kaugnay sa leeg at ulo.

Umaabot sa mahigit na walong libong ear, nose and throat specialists sa buong mundo ang bumubuo ng American Academy of Otalyngology-Head and Neck Surgery Inc. at isa sa mga kasapi nito ay si Dr. Gil Vicente ng St. Lukes Medical Center.

Ayon kay Dr. Vicente, isang wastong diagnosis ang kailangan sa pagsusuri ng taynga, ilong at lalamunan. Ilang importanteng isaisip ay ang tungkol sa bacterial infection na ginagamot sa pamamagitan ng antibiotics na panandaliang lunas lamang at sa mga kaso ng grabeng sinusitis ito’y nangangailangan ng surgery. Isa pang problema ay ang allergy na dapat pag-aralang mabuti ng otolaryngologist dahil iba’t iba ang klase nito sa bawat pasyente. Ang paggamot ng oral and injectable steroids ay pinagtutuunan ng ibayong pansin.

Sinabi ni Dr. Vicente na maraming tao, lalo na ang mga nagkakaedad na nangangailangan ng kompletong check-up ng kanilang taynga, ilong, at lalamunan at ipinapayo niya ang pag-inom ng maraming tubig iwasan ang sigarilyo, alak at kape.

AMERICAN ACADEMY OF OTALYNGOLOGY-HEAD AND NECK SURGERY INC

AYON

DITO

DR. GIL VICENTE

DR. VICENTE

ILANG

IMPORTANTENG

ISA

ISANG

ST. LUKES MEDICAL CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with