Pasko na naman
December 12, 2004 | 12:00am
SA kabila ng matinding kahirapan, kawalan ng trabaho, kalamidad at lumalalang kriminalidad namamayani pa rin ang diwa ng Pasko. Sa mga kanayunan bagamat larawan ng paghihikahos ay nakukuha pa ring maglagay ng mga parol sa mga kubo. Para masiyahan at malibang ang mga bata ay gumagawa sila ng Christmas tree at mga lanterns. Sa mga bayan at lungsod ay maraming Christmas lights, stars, angels at iba pang Christmas decors na nasa mga lansangan at gusali, lalo na sa mga shopping malls ay damang-dama na Christmas is on the air. Mga giant Xmas tree gaya noong nasa CCP Complex, Rizal Park at mga panoorin sa Greenhills at Ortigas Center ang nakaaaliw na panoorin.
Pero ang pinakapaborito at dinadagsa ng mga tao at madalas na ipakita sa telebisyon ay ang Christmas spectacle sa Policarpio, Barangay New Zaniga, Mandaluyong City. Lahat ng bahay sa Policario ay nagniningning sa sari-saring pamaskong pahiyas lalo na ang kila Norma Lim at ang asawa niyang si James Lim na nagmamay-ari ng PVL Restaurant sa Mandaluyong. Aktibo si Norma Lim sa religious and charitable activities. Oktubre pa lang ay sinisimulan na nina Norma at ng mga kapitbahay niya ang pagde-decorate. Ilang gusali rin ang ginagayakan nila. Marami rin ang nakikinabang tuwing Pasko sa Policarpio. Nagtitinda sila ng mga laruan, damit, sapatos at maraming bagay at kumikita sila ng malaki.
Maligaya sina Norma at James at kaisa-isang anak na si Paul Vincent Lim dahil ang kanilang panata tuwing Pasko sa Policarpio ay nagdudulot ng kaligayahan sa mga residente roon.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 10, 2026 - 12:00am