Fiscal crisis: Tungkuling resolbahin ng lider hindi ng taumbayan
September 9, 2004 | 12:00am
HINDI na maganda ang nagaganap ngayon tungkol sa kampanya ng mga ibat ibang sektor upang makatulong na mapagtakpan ang tinatawag nilang fiscal crisis ng bansa. Okey sana noong umpisa sapagkat marami ang nag-volunteer at nagpahayag ng kanilang taus-pusong pagtulong upang maibsan kahit na papaano ang tuluy-tuloy na paglobo ng pagkakautang ng Pilipinas.
Subalit ngayon, mukhang sapilitan na ang pagkuha ng donasyon. Ang iba nga ay ginagamit pa ito upang magpa-bida at makakuha ng pogi points. Ang pagbibigay ay hindi na masasabing galing sa puso kundi brasuhan na ang lumalabas. Tingnan ang fundraising na ginawa ni House Speaker Jose de Venecia sa mga negosyanteng kasama sa state visit ni GMA sa China. Sa loob pa lamang ng eroplano patungong China, hiningan ni JDV ng donasyon ang bawat nasa eroplano. Parang hinoldap!
Ang mga pulis ay hinihingan din ng donasyon at manggagaling sa kanilang suweldo. Anak ng tinapa! Nagrereklamo na nga na kulang na kulang ang sinusuweldo, kakaltasan pa ng isang araw na kikitain. Hindi bale kung ang pera ay galing sa pangongotong ngunit kung galing sa pinagpawisan, unfair naman yan. Parang inagawan ng makakain ang kanilang pamilya.
Nangyayari rin ang senaryong ito sa iba pang sektor. Ibat ibang gimik, sari-saring pakulo upang diumano ay makalikom ng pera para makatulong sa bumabagsak na ekonomiya ng bansa. Subalit, may mga nababahala na baka raw malusaw ang mga perang galing sa donasyon. Dapat daw na maging maliwanag sa taumbayan kung saan ilalagak at papaano gagastusin ang mga perang ito. Para sa akin, hindi ako bilib sa paghingi at pagbibigay ng ganitong donasyon lalo na kung ito ay manggagaling sa mga ordinaryong mamamayan. Puwede pa kung ito ay magmumula sa mga mayayaman at mga tiwaling opisyal at pulitiko.
Naniniwala ako na ang mga matataas na pinuno ng pamahalaan ang may responsibilidad para resolbahin ang problema ng bansa kasama na ang tungkol sa pagbagsak ng ekonomiya at fiscal crisis. Tutal naman, ang mga opisyal ng pamahalaan ang tumatanggap at gumagastos ng pera ng bansa. Tungkulin nilang humanap ng paraan kung mayroon mang suliranin tungkol sa kaperahan. Ngayon, ang responsibilidad naman ng taumbayan ay ang tumulong sa mga panawagan ng gobyerno sa lahat ng makabubuti sa bansa na katulad ng pagtitipid at lahat ng mga adhikain na makapag-aangat sa bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended