^

PSN Opinyon

"Babala"

CALVENTO FILES - Tony Calvento -
ISA PONG BABAE NA BIKTIMA NG SNATCHING ANG NAGPADALA NG LIHAM SA AKING E-MAIL. SA NGAYON TALAGA AY GRABE NA AT TALAGANG PALALA NANG PALALA ANG KATULAD NITONG MGA "STREET CRIMES". BASAHIN PO NATIN ANG NILALAMAN NG KANYANG SULAT:

"Good day po sa inyo, Mr. Calvento. Gusto ko lang po sanang i-share ang naranasan ko sa kalye ng Catmon , Malabon. Talaga po yatang napakahirap na ng buhay dito sa Pilipinas. At gaya nga po ng alam nating lahat, kasabay po ng lalo pang paghihirap ng buhay ay ang pagkalat naman at paglubha pa ng mga street crimes.

I was victimed by a ruthless snatcher along Gov. Pascual Ave. in Catmon, Malabon. Re-routing po kasi ang sasakyan dahil ginagawa ang daan along MH del Pilar kaya ang mga sasakyan ay doon dumadaan. Hindi ko po akalain na kahit in broad daylight ay nambibiktima itong mga walang hiyang snatchers sa lugar na ‘yon. Pagkaliko pa lang ng sinasakyan ko’ng jeepney na hindi ko naman malaman kung bakit ang bagal ng takbo, naramdaman ko na lang na may biglang humablot sa kanang kamay ko. I shouted at once, trying to catch the attention of the bystanders and all the people around. I was thinking haharangin nila yung snatcher para mapigilan yung crime. But it did not happen. Bumaba ako agad ng jeep and tried to run after the snatcher.
I never really cared kung ano ba yung iskinitang pinasok niya or makakalabas pa kaya ako doon, whatever. I just wanted to have my bracelet back. Pero dahil lalaki siya at mas malakas kesa sa akin he flew swiftly as easy as that. Kahit maraming tao na nakakaalam na snatcher siya, walang nag-attemp na pigilan siya. I was really helpless. May isang lalake na parang sumama sa akin to follow pero naglalakad lang at hindi obvious na may hinahabol. The man told me to go to the baranggay hall to ask for help dahil alam naman naming kung saan nagsuot yung snatcher.

I did just as that. Nagpunta ako sa brgy. Hall ng Catmon to seek for help para mabawi yung na-snatch at maparusahan yung tao. Would you believe kung ano’ng nangyari. The clerk got my statement and I told her what happened. Afterwards, sabi ko baka puwedeng puntahan naming yung lugar para mahabol pa yung snatcher. She called in the radio, tapos sabi niya, "Paano ba ‘yan , Miss, nasa Bicol daw eh" referring siguro dun sa puwedeng sumama sa akin. I stayed hoping she would call on another tanod to help me. Tapos sabi niya, "Miss, wala kasing tanod eh, walang puwedeng sumama sa’yo". I can’t believe it! Brgy hall na walang tanod?!


Later did I found out na kilala pala yung lugar na ‘yon as haven of criminals. Magkakakilala daw ang mga tao dun kaya talagang walang tutulong sa akin. Worst, wala ding barangay officials na puwedeng mangalaga sa lugar. Ganoon naman palang alam nilang maraming nagkalat na criminal dun, bakit hindi sila mag-request for police officers na magiging visible sa lugar. Siguro kung may police along the way, magdadalawang-isip ang mga criminals na ‘to. And I just realized after the incident na malamang ay kakutsaba rin ng snatcher yung driver. I was the only passenger at the back and the jeep moves very slow. And I remember the driver taking a glance at me several times before the incident happen.

I was traumatized! I don’t know when can I recover from this. I can’t even ride a jeepney from that day on. I just hope that thru this letter of which I’m sharing my experience, I’ll get a little relief.

Mag-ingat po tayong lahat. Sa hirap po ng buhay ngayon na halos lahat ng bilihin ay tumataas at nagkalat pa rin at di mapigilan ang drug addiction, we can never be safe. Marami pong mga halang ang kaluluwa sa lansangan and worst is baka makatiyempo pa kayo ng mga inutil na officials who are supposed to take care of peace and order. Kung sa mga bara-baranggay pa lang pala ganyan na ang treatment sa mga nagrereklamo, what do we expect from the higher? Sana naman alam ng bawat officials even in the brgy level kung ano ang responsibility nila at kung ano ang duty nila.

That’s all. Thank you for your time and the space if you could publish this. More Power and God bless!

Trully Yours,

Mary Grace Agustin


Hindi po nag-iisa itong sumulat sa atin na nakaranas ng ganito. Sabi nga niya, sa hirap ng buhay, kapit sa patalim na nga. Pero marami din diyan na dahil sa impluwensiya ng droga at dahil na rin wala na silang pambili ng titirahing drugs kaya gumagawa ng krimen na ganito.

Kailan kaya magiging safe para sa lahat ang lumabas at maglakad sa mga lansangan nang walang takot na baka mabiktima ng mga walang kunsensiyang taong ito ?

PARA SA ANUMANG COMMENTS AT REACTIONS, I-TEXT SA 09179904918. MAAARI DIN KAYONG TUMAWAG SA 7788442.

CATMON

KUNG

MALABON

MARY GRACE AGUSTIN

MORE POWER AND GOD

MR. CALVENTO

PASCUAL AVE

PERO

YUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with