Imee doble-kara
ANG titulo ko ay matandang kasabihan. “Blood is thicker than water.” Pero Mukhang hindi ito totoo kay presidential sister at Senadora Imee Marcos na obvious na obvious na namamangka sa dalawang ilog.
Una, iisang dugo ang nananalaytay sa kanila ni Presidente Bongbong Marcos at pangalawa, kasapi siya sa partido ng Presidente sa muling pagkandidato sa pagka-senador. Bilib ako sa taong prinsipyo ang ipinaglalaban.
Pinapanigan niya si dating President Duterte na ngayo’y nasa The Hague at nililitis sa salang crimes against humanity. Isa siya sa kumukuwestiyon sa legalidad ng pag-aresto kay Digong.
Itsapuwera ko na ang pagiging magkapatid nila ni Marcos. Puwedeng sabihing pagdating sa prinsipyo ay walang kapa-kapatid. Ayos ang ganyang paninindigan.
Ngunit ngayong nagpapanukala siya ng isang Senate probe upang alamin ang legalidad o ilegalidad ng pag-aresto kay Digong, hindi ba kakatwa iyan dahil kasama siya sa partido ng kanyang kapatid? Kung sumapi siya sa PDP-LABAN okay lang sana.
To say the least, si Imee ay namamangka sa dalawang ilog. Kung manalo ang kampo ni Marcos, wagi siya. At kung matalo naman at mamayagpag ang mga Duterte, wagi pa rin siya! Walang katalu-talo.
Ngunit ano ang magiging impresyon sa kanya ng taumbayan? Doble-kara! At ano ang masahol pa sa pagiging hudas kaysa pagtatakwil sa kapatid dahil sa sariling interest?
As I said okay lang itakwil ang kadugo sa ngalan ng prinsipyo pero kahudasan ito kung ang itinataguyod ay sariling interes. Siguro, lihim na nagdurugo ang puso ni Bongbong sa nangyayaring ito.
- Latest