^

PSN Opinyon

Maganda,sexy at mestisang TV host,tibo pala

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang nanghinayang nang husto ang aking bubuwit nang makumpirma niyang tibo pala ang isang maganda at seksing TV host sa isang noon time show?

Ayon sa aking bubwit, 6 days na lang, eleksiyon na. Nakapagdesisyon na ba kayo kung sino ang mga iboboto n’yo?

Happy birthday kay Col. Charlie Holganza, Gen. Ting Demaala, Lt. Ric Paras, Agnes Caparas Altares, Ron Edward Caballero, Bro. Ed Granada, Bro. Jimmy Gonzales at Bro. Raul Urgello.
* * *
Alam n’yo bang nakipag-date sa isang magandang estudyante ang isang maganda, sexy at mestisang host ng isang noon time show sa telebisyon?

Ayon sa aking bubuwit, noong April 29, 2004, gabi ng Huwebes ay nakumpirma niyang tibo pala ang isang magandang TV host.

Sa loob ng A Bit of Earth Bar sa Tomas Morato St., Quezon City ay nakatabi niya ng lamesa ang nasabing chiching.

Dahil maganda, sexy at mestisa ang chiching at mukhang artista ay tinanong pa ng aking bubwit sa waiter kung sino siya.

Sinabi naman ng waiter na regular customer nila roon at isa ito sa mga host ng isang noon time show.

Kaya lang, sinabihan yung ating bubuwit na huwag nang magka-interes dahil iba ang type ng chiching.
* * *
Ayon sa aking bubwit, makalipas lamang ang ilang minuto ay may dumating na kasama itong TV host, ito ay dalawang babae at isang tibo.

Dito ay biglang nag-iba ang kilos ng TV host. Kung dati-rati ay mahinhin, nang dumating yung siyota pala niyang estudyante ay biglang nagtali ng buhok at biglang pumormang lalaki.

Hanep! Hindi makapaniwala ang aking bubuwit kung bakit biglang naging pormang barako na ang maganda, sexy at mestisang TV host.

Habang sila ay magkatabi ay panay ang ak- bay at pisil ng TV host sa puwitan ng kanyang magandang siyotang estudyante ng St. Paul College.

At panay naman ang halik sa lips nung estudyante sa siyotang tibo. Halikan sila ng lips-to-lips.

Ganoon din ang ginagawa nung kasama nila, foursome ika nga. Talagang iba na talaga ang mundo.
* * *
Ayon pa sa aking bubuwit, kapag pumupunta ng comfort room yung estudyante, panay naman ang alalay ng tibong TV host.

Napaka-gentleman, este gentlewoman.

Iniuurong ang kanyang upuan, inihahatid sa CR at talagang binabantayan hanggang matapos at kontodo alalay hanggang sa pagbalik sa kanilang table.

Hanep, daig pa ni Tibo ang mga lalaki sa pagka-gentleman.

Ayon sa aking bubuwit, si TV host ay parang lalaki talaga kung pumorma sa kanyang suot na black shirt, maong pants at rubber shoes.

Dahil sa curiosity ng aking bubuwit, kinabukasan ng Friday ay talagang inabangan niya itong panoorin sa kanyang show sa TV.

Dito ay hindi siya makapaniwala sapagkat magkaiba ang personality nu’ng napanood niya sa TV at nu’ng ikinilos nito sa loob ng bar habang kasama ang siyotang babae.

Kapag nasa TV ay talagang mujer-na-mujer, pero kung gabi at kasama ang siyotang estudyante ay barakong-barako naman ang porma niya.

Naku Bossing, huwag ka nang magtangka kung may balak kang manligaw sa kanya sapagkat ang tipo niya ay kapwa babae at hindi lalaki.

Ang nasabing ma-ganda, sexy at mestisang TV host na ala-Ms. Michelle Van Eimeren ang dating subalit tibo pala ay si…

Sayang ka ’Day. Siya ay si Ms. L. as in La Lenggua.

vuukle comment

A BIT OF EARTH BAR

AGNES CAPARAS ALTARES

AKING

AYON

BUBUWIT

CHARLIE HOLGANZA

DAHIL

HOST

ISANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with