^

PSN Opinyon

SEEMMOT-in sana sila sa kangkungan

SAPOL - Jarius Bondoc -
KUWELA itong mga kasama ko sa kilusang-reporma kung magpahiwatig ng pagkayamot sa pulitika. Dinadaan nila sa acronyms. Nu’ng bumoto ang 11 senador na itago sa impeachment trial ang sekretong Jose Velarde deposit ni Erap, tinawag nila silang JOE’S COHORTS: Jaworski, Osmeña, Enrile, Sotto, Coseteng, Oreta, Honasan, Ople, Revilla, Tatad, Santiago. Bagay nga naman ang bansag na JOE’S COHORTS–mga kasabwat ni Joe Velarde o Joseph Estrada. Dumikit tuloy sa 11 ang bansag.

Umiral na naman ang likot ng isip nila ngayong halalang-Senado. Meron silang pitong kinamumuhiang kandidato. Tinatawag nila silang SEEMMOT: Santiago, Enrile, Estrada, Maceda, Madrigal, Osmeña, Tatad. Walang ibig sabihin ang acronym, pero nakakadiri pa rin ang tunog. Parang ... di na bale at baka mawalan ng gana ang kumakain.

Mas nakakadiri para sa kanila ang pito. Sina Santiago at Osmeña ay hayagang maka-Erap at maka-FPJ, pero lumundag sa kampo ni GMA dahil di-napiling bise presidente o sa pera. Sina Enrile, Maceda, Madrigal at Tatad ay isinuka na ng botante nu’ng 2001, pero sige pa rin sa ambisyon. Si (Jinggoy) Estrada ay paningit lang sa FPJ tiket nu’ng umalis si Santiago. Out on bail lang sa kasong plunder para ipagamot umano ang rectal bleeding, pero tumakbo na rin para makasama ang ina sa Senado. Huwag daw iboto ang SEEMMOT.

Ang lalong kuwela, maraming nagsasabi na, bago pa man lumabas ang acronym, balak na talaga nila ibasura ang SEEMMOT. Nais daw nila makasingit ang ilang paborito: Alvarez, Barbers, Biazon, Cayetano, Gordon, Hussin at Mercado. Subok na raw ang pito at kaakit-akit ang mga plataporma. Hindi nga lang makasingit sa Magic 12 sa surveys dahil sa SEEMMOT.

Mag-ingat lang sana sila sa negative campaigning. Kasi, mahalaga sa halalan ang name recall. Pag nasa polling precinct na ang botante at walang dalang kodigo, isinusulat na lang nang madalian ang sino mang maalalang pangalan. Paano kung ang maalala ay ang SEEMMOT?

ENRILE

ERAP

JOE VELARDE

JOSE VELARDE

JOSEPH ESTRADA

MACEDA

OSME

SENADO

SINA ENRILE

TATAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with