^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kung naaawa kay Erap,maawa rin sa ibang bilanggo

-
MAKATAONG trato para sa dating presidente. Iyan ang ginawa ni President Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang predecessor na si Joseph Estrada. Idagdag pa riyan ang para sa pagkakaisa at pagkakasundo-sundo. Ang isyu ay tungkol sa house arrest ni dating President Estrada na naging dahilan para umalma ang civil society groups at iba pang grupong nakilahok sa EDSA 2 revolution. Hindi tama ang ginawa ni Arroyo na pangunahan ng Sandiganbayan sa pagbibigay ng kaluwagan kay Estrada. Sinampahan ng kasong kriminal sina Mrs. Arroyo, Spokesman Mike Defensor at PNP chief Dir. Gen. Hermogenes Ebdane Jr. dahil sa house arrest kay Estrada.

Dapat din daw namang makatikim ng makataong trato ang dating presidente. Kahit na naakusahan ng pandarambong at pagsira sa pagtitiwala ng taumbayan si Estrada, kasama ang kanyang anak na si dating vice mayor Jinggoy Estrada, dapat pa rin daw siyang pakitaan ng awa. Mula sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City ay inilipat sa Camp Capinpin sa Tanay, Rizal si Erap. Ang paglipat niya ay napakaraming sumingaw na dahilan. Kaya ililipat sa Capinpin ay dahil may nagtatangka sa buhay ng dating presidente. May nagtatangka raw itakas ito sa VMMC. Inilipat sa Capinpin si Erap noong Oct. 16, 2003.

Pero ngayon ay sumingaw na ngang tuluyan na naka-house arrest na pala si Erap. At parang pinagtiyap ng pagkakataon na ang Capinpin ay halos katapat pala ng resthouse ni Erap. Eksakto rin naman na ang pagbibigay ng makataong trato kay Erap ay nataon na malapit na ang election. Pinabulaanan naman ng kampo ni Mrs. Arroyo na ang house arrest kay Erap ay may kinalaman sa darating na election.

Nasa kultura na ng mga Pinoy ang pagiging maawain at mapagpatawad. Kaunting panahon lang ang palipasin at tiyak na malilimutan na ang nagawang kasalanan. At hindi naiiba riyan si Mrs. Arroyo sa pagsasailalim sa house arrest kay Erap. Pero kailan ba hindi tinratong tao si Erap? Mula nang makulong siya noong April 2001, nasa malinis na bilangguan ang dating presidente. Hindi siya naging katulad nina Chun Doo-hwan at Roh Tae-woo, mga dating president ng South Korea na ipinoposas.

Tratong tao para kay Erap. Pero sana, makita rin ni Mrs. Arroyo ang kawawang kalagayan ng mga bilanggo na parang sardinas sa pagsisiksikan sa mga city jails. Maraming may sakit sa balat dahil walang ventilation ang kulungan. Para silang mga paniking nagsabit sa loob. Tratuhin din silang tao.

CAMP CAPINPIN

CAPINPIN

CHUN DOO

DATING

ERAP

HERMOGENES EBDANE JR.

JINGGOY ESTRADA

JOSEPH ESTRADA

MRS. ARROYO

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with