Iba ang karisma ng iniidolong artista
February 26, 2004 | 12:00am
PARA sa mga movie fans, hindi importante magaspang man ang ugali ng iniidolong artista. Hindi nababawasan ang paghanga nila rito. Ang anumang marinig nilang kapintasan ng kanilang idol ay "paninira" lang para sa kanila.
Ang isinalaysay ng beteranong entertainment editor na si Franklin Cabaluna tungkol sa pagmamaltrato sa kanya noong dekada 60 ng action king na si Fernando Poe, Jr. ay hindi bago. Na siya ay "binugbog" at "inihian" ng aktor dahil sa isang artikulong naisulat na hindi naibigan ng huli.
Wala pa man sa guniguni ng mga Pilipino na balang araw ay tatakbo sa pagka-pangulo si FPJ, marami na ang nakaaalam sa pangyayaring ito. Pero hataw talaga ang karisma ni FPJ. Sa Mindanao, ang mga tagahanga niyang Muslim ay binabaril ang telon ng sinehan kapag naaagrabyado sa pelikula ang kanilang iniidolo.
Noon pa mang araw ay lantad na ang diumanoy pagiging marahas ni FPJ lalo na kapag senglot. Sa kabila nitoy hindi nabawasan kundi lalo pang lumawak ang lehiyon ng mga tagahanga ni FPJ. Katunayan, may mga nagti-text sa ating feedback section na kumokondena kay Cabaluna. Sinasabing binayaran lang siya ng mga kalaban ni FPJ para manira. Pero binibigyan ko ng benefit of the doubt si Cabaluna porke matagal na ngang napabalita ang kanyang karanasan kay Da King. Kung lumalantad man siya ngayon upang sariwain ang kanyang masaklap na karanasan, ito aniyay sa dahilang gusto niyang malaman ng sambayanan na ang kanilang hinahangaang aktor ay hindi simbait gaya ng kanilang paniniwala.
Dapat ay kumupas na ang kanyang pagiging marahas komo mahigit na siya sa 60-anyos. Ngunit batay sa mga naisulat tungkol sa pangangampanya ni FPJ, nabasa natin ang "pag-amba" niyang susuntukin sa isang fotog matapos mabagsakan diumano ng kamera ang braso ng aktor. Natunghayan din ng marami ang diumano"y pagkairita ni FPJ sa kakulitan ng mga nagtatanong na reporters.
Kumakandidato sa pinakamatayog na posisyon sa gobyerno si FPJ. Pananagutan ng media na ilahad ang mga obserbasyon tungkol sa sinumang kandidato dahil delikado kung ang mailuluklok na Panguloy marahas at brusko. Paano kung siyay maging Pangulo at ang lahat ng mga babatikos sa kanya ay kanyang bubuweltahan? Itoy panawagan din sa napipintasang kandidato upang baguhin ang kanyang lisyang asal.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest