^

PSN Opinyon

Bakit maraming galit kay Roilo Golez

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MAY sakit palang amnesia si dating National Security Adviser Roilo Golez kaya’t nagbabanta ang taga-2nd district ng Parañaque City na huhusgahan siya sa darating na May elections. Kahit may basbas pa umano siya ni dating Pangulong Fidel V. Ramos, hindi magiging hadlang ito para pakainin nila ng alikabok si Golez. Naging representante nila sa Kongreso si Golez noong araw kaya’t tandang-tanda ng mga botante ang mga binitiwang pangako nito na ang lahat ay nabaon sa limot. Simula nang ‘‘magtaksil" sa kanila si Golez, isinumpa na ng mga botante na hindi na silang muli paloloko sa kanya o sinuman sa mga alipores niya. Kaya ang battlecry sa ngayon ng taga-2nd District ng Parañaque ay ‘‘Go-less, Get lost.’’ He-he-he! Sobra talaga ang galit ng mga botante kay Golez, no mga suki?

Para hindi mawalan ng saysay ang boto nila kay Golez, minabuti na lamang ng mga botante na ituon ang kanilang pansin sa kalaban nito na si Parañaque Mayor Joey ‘‘Tsong’’ Marquez. ‘‘Milya-milya ang layo ni Tsong kay Golez pagdating sa public service,’’ anang isang botante na nakausap natin. Hindi tulad ni Golez na kulang na lang pitasin ang buwan at bituin sa langit para ibigay sa botante habang nasa itaas pa siya ng entablado. Pero kapag nanalo na, nababaon lahat sa limot ang mga pangako n’ya kaya tinawag siyang may amnesia, he-he-he! Baka pati plataporma niya ay makalimutan nitong si Go-less, di ba mga suki?

Kung sabagay, ni minsan naman ay hindi pa binigo ng taga-Parañaque si Tsong na naka-tatlong termino na bilang mayor. Nang humirit si Tsong ng ‘‘Isa pa’’ noong 1998 elections eh oks-na-oks ito sa taga-Parañaque. At nang kulitin niya ang mga botante ng ‘‘Isa na lang’’ noong nakaraang elections ay pinagbigyan pa rin siya. Always winner si Tsong sa Parañaque at kahit sampung Go-less man ay hindi makuha na siya’y tumbahin, anang nakausap natin. Nakita kasi nila ang uri ng serbisyo ni Tsong kaya hindi sila nagsawa sa pagsuporta dito. Owww!

Ayon sa mga botante, hindi totoo na super-bagyo si Golez kay GMA dahil sa last minute eh binitiwan din siya. Di ba nangarap ring maging senador si Golez pero dahil tail-ender siya sa mga survey eh hindi siya isinali sa senate slot ng administration. Naburyong din umano si GMA sa kanya dahil marami siyang semplang sa trabaho niya bilang national security adviser. Si Golez din daw ay mahilig pumuwesto sa likod ni GMA para makuhaan ng TV o photographers ng diyaryo para may libreng propaganda. Pero may insidente raw na minsan ay binitbit ng PSG si Golez dahil inagawan pa niya ng puwesto si First Gentleman Mike Arroyo sa isang gathering sa Malacañang. Ang tulad ba ni Go-less ang dapat kumatawan sa 2nd District ng Parañaque?

vuukle comment

AQUE

BOTANTE

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

GOLEZ

NTILDE

PARA

SIYA

TSONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with