EDITORYAL - Maraming nasasayang na tubig
February 3, 2004 | 12:00am
PATULOY ang pagbaba ng water level sa Angat Dam na nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila. Ang level ng tubig sa dam ay 196.40 meters na lamang. Dapat ay 206.3 meters ito. Ayon sa mga eksperto kapag hindi pa umulan, patuloy pang bababa ang tubig at nakaharap sa krisis ang taga-Metro Manila at iba pang karatig probinsiya. Ang hindi pag-ulan noong Agosto hanggang Disyembre 2003 ang nakapagpabawas sa nakaimbak na tubig sa dam.
Nang mapabalita ang napipintong krisis sa tubig, agad na nag-anunsiyo ang gobyerno na kailangang magtipid sa tubig. Huwag nang mag-aksaya. Nagpayo pa ang National Water Resources Board sa mga consumers na huwag nang hugasan ng madalas ang kanilang mga sasakyan para magtipid. Agad namang sinabi ng Deparment of Environment and Natural Resources (DENR) na magsasagawa sila ng cloud seeding. Walang nangyari sa cloud seeding at hindi man lamang pumatak ang ulan.
Magtipid daw sa tubig sabi ng gobyerno at mga water officials. Pero sino ba ang nagtatapon at nag-aaksaya? Kung may dapat mang kumilos para maging matagumpay ang water conservation, iyan ay ang dalawang concessionaires ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang Manila Water Co. at ang Maynilad Water Services Inc. Maraming sirang tubo at sangkaterba ang mga may illegal connections at walang ginagawang aksiyon ang dalawang water concessionaires para ito malunasan at nang makapagtipid sa tubig.
Sa bibig na mismo ng Maynilad nanggaling na 69 percent ng isinusuplay nilang tubig ay nasasayang dahil sa mga sirang tubo at mga illegal connections. Sabi naman ng Manila Water na 51 percent ng kanilang suplay ay nawawala dahil sa mga depektibong tubo at illegal na connections din. Ang Maynilad ay nagsusuplay ng tubig sa west zone samantalang Manila Water ay sa eastern zone.
Matagal nang problema ang mga sirang tubo at illegal connections subalit hindi ito naaaksiyunan ng dalawang concessionaires. Ang nangyayari, pawang hangin ang lumalabas sa gripo ng mga consumers. Patak-patak pa rin kung kaya marami pa rin ang "uhaw na uhaw" sa tubig. Ang masakit, sa kabila na patak-patak ang tubig na lumalabas sa gripo, wala namang tigil sa pagtataas ng singil ang dalawang concessionaires.
Alam ng Manila Water Co. at ang Maynilad Water Services Inc.ang problema pero bakit hindi kaya nila sinusulusyonan ang problema. Ngayong nakaamba ang krisis sa tubig, nararapat na magkaroon sila ng panahon para ayusin ang mga sirang tubo at alisin ang mga illegal connections. Ang mga ito ang dahilan kung kaya patuloy ang pagbaba ng tubig sa dam.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest