^

PSN Opinyon

Special assistant to the ...

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NAGTATAKA ang mga kuwago ng ORA MISMO kay Egay Lanzones, porke isang ordinaryong empleyado lamang ito diyan sa Port of Batangas pero tatlo ang puwesto sa Customs.

Noong una ay isa siyang SA1 sa Customs Police nagpasa ng mga dokumento sa Civil Service Commission para ma-promote pero ibinalik ang kanyang papeles dahil kulang sa requirements.

Ika nga, kulang sa pinag-aralan.

Ikalawa, siya raw ngayon ang Special Assistant to the Collector of Customs sa Port of Batangas? Alam kaya ni Customs Collector Eddie dela Cuesta ito?

Pangatlo, siya rin ang acting bodegero sa Port of Batangas?

Verifying ang mga kuwago ng ORA MISMO, kay Egay Lanzones kung talaga bang empleyado siya ng aduana.

Dahil kung empleyado ito, ibang klase ang koneksiyon ni Lanzones sa pamunuan ng bureau. Take note, Customs Commissioner Antonio Bernardo, Your Honor.

Pinagyayabang kasi ni Egay Lanzones, na hindi siya kayang tibagin ng mga mamamahayag dahil walang diyaryong nakakarating sa Port of Batangas.

Ang isa sa kasalanan ni Egay Lanzones, ay ng agawin nito kay Nick Gagamba ang kanyang sweetheart. Ang una kasi ang kumakabayo sa honey ni Gagamba ngayon.

Magkabarilan kaya sila?

May brand new house raw na ipinagagawa si Egay Lanzones para sa kanyang bagong kabayo kaya ang mga kasamahan umano nito sa bureau ay hinahanap ang nawawalang P2 million cash na sinasabing pondo mula sa mga illegal shipments?

‘‘Ang tindi pala ni Egay Lanzones?’’ anang kuwagong magtataho.

‘‘Magaling talaga ito sa gawain ng mga illegal na bagay kaya hindi maitapon ng kanyang bossing?’’ sabi ng kuwagong urot.

‘‘Malakas din ito mambukol kaya nagmamaktol ang mga kasamahang binubukulan."

‘‘Ang daming pera ni Egay Lanzones, kaya bago ang mga sasakyan nito.’’

‘‘Siguro Commissioner Tony Bernardo dapat ito ang ipa-lifestyle check mo sa Palasyo,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Iyan ang aabangan natin mga kuwago ang aksyon ng mga kamote.’’

CIVIL SERVICE COMMISSION

COLLECTOR OF CUSTOMS

CUSTOMS COLLECTOR EDDIE

CUSTOMS COMMISSIONER ANTONIO BERNARDO

CUSTOMS POLICE

EGAY

EGAY LANZONES

LANZONES

PORT OF BATANGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with