^

PSN Opinyon

Desisyon ng SC sa computerized polls dapat igalang

- Al G. Pedroche -
NAGHAHANDA na ang Commission on Elections para sa manu-manong bilangan sa darating na eleksyon sa Mayo 10. Ito’y matapos ideklara ng Korte Suprema na maanomalya ang kontrata na pinasok ng COMELEC. Nababalot daw ng iregularidad ang mahigit sa P1 bilyong kontrata at kailangan daw itong ibasura.

Pero hihirit pa ang COMELEC. Aapela sa Korte para mabaligtad ang desisyon. Nagbayad na ang pamahalaan sa Mega-Pacific Consortium na mahigit sa P800 milyon. May punto ang Korte na ipabawi ang lahat ng naibayad at kanselahin ang kontrata. Siyempre, pera ng bayan ang nakataya riyan.

Kaduda-duda talaga ang computerization program ng COMELEC. Noon pa’y inamin ni COMELEC Chairman Ben Abalos na ang sistema ay hindi siyento porsyentong maipatutupad kundi 30 porsyento lang. Ibig sabihin, ang 70 porsyento ng eleksyon ay gagawin pa ring mano-mano.

Bakit ipatutupad pa ito kundi rin lang isandaang porsyento ang implementasyon? At bakit kailangan pang ituloy ang kontrata kung antimano’y batid nang hindi ito maiimplimenta ng isandaang porsyento?

Nagtatanong lang tayo dahil wala tayong maisip na dahilan maliban sa matabang komisyon na puwedeng tanggapin ng mga nakikipagkontrata. Di tayo nag-aakusa kundi nagtatanong lang porke kuwarta ni Juan dela Cruz ang nakasalang diyan.

Sana’y galangin na lang ng COMELEC ang desisyon ng Korte at huwag ipilit ang baluktot na katuwiran. At kailangan ding gumawa ng malalimang imbestigasyon para tukuyin ang mga opisyal na nakinabang at tumaba ang bulsa sa maanomalyang kontrata.

vuukle comment

AAPELA

BAKIT

CHAIRMAN BEN ABALOS

CRUZ

IBIG

KADUDA

KORTE

KORTE SUPREMA

MEGA-PACIFIC CONSORTIUM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with