^

PSN Opinyon

Congressman sa Metro Manila pito ang asawa

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang pito diumano ang asawa ng isang congressman sa Metro Manila?

Ayon sa aking bubwit, 9 days na lang at Pasko na.

Happy birthday kay Rep. Ed Zialcita ng Parañaque City; former Gov. Epimaco Velasco ng Cavite; Prosecutor Felix Reyes ng Pasay City; Bro. Nixon Fortich ng Bukidnon; William Liong at Vice Mayor Epitacio Sulfelix ng Rizal, Nueva Ecija.
* * *
Maniniwala ba kayong pito ang misis ng isang congressman sa Metro Manila?

Ayon sa aking bubuwit, dahil sa dami ng chiching ni Congresman ay nagalit na nang husto ang kanyang tunay na misis.

Si Mrs. Orig ay nagsampa na ng kasong cuncubinage at bigamy laban kay Congressman. Doon kasi sa anim na chiching ni Congressman, pinakasalan na yung isa.

Saan kaya sila nagpakasal?

Ayon sa aking bubuwit, karamihan sa mga chiching ni Congressman ay mga magaganda at sexy. Kaya lang, ang karamihan sa kanila ay nakuha ni Congressman sa mga night club o mga G.R.O.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, dahil sa sobrang tulis ni Congresman ay napabayaan na niya si Mrs. Orig. Sa katunayan ay hindi na umuuwi si Congressman sa kanila kaya matindi ngayon ang galit ni misis.

At dahil sa tindi ng galit ni misis kay Congressman, ito ay nagsimula nang mangampanya...

Nangangampanya si Misis upang huwag nang iboto sa darating na eleksyon ang kanyang mister.

Patay kang bata ka Congressman.

Ayon sa aking bubuwit, ang congressmang pito diu_mano ang asawa na kinabibilangan ng ilang GRO ay walang iba kundi si...

Siya ay kamuntik nang mamatay matapos maoperahan sa isang ospital sa Makati.

Nagbabalak kumandidatong mayor sa isang siyudad sa Metro Manila.

Siya ay si Congressman L. as in Lover Boy.

vuukle comment

AYON

CONGRESMAN

CONGRESSMAN

CONGRESSMAN L

ED ZIALCITA

EPIMACO VELASCO

LOVER BOY

METRO MANILA

MRS. ORIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with