^

PSN Opinyon

Drug-free raw ang Pasig City ani Enteng Eusebio,he-he-he !

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
IPINAGYAYABANG ni Vicente ‘‘Enteng’’ Eusebio na drug-free na ang siyudad ng kanyang asawang si Pasig City Mayor Soledad Eusebio pero natulala siya nang matagumpay na sinalakay ng Anti-Illegal Drugs Special Task Force (AID-SOTF) ang dalawang drug laboratory at nakakumpiska nga ng P2 bilyon na shabu at mga raw materials sa paggawa nito. At dahil sa kayabangan niya, sigurado akong maaapektuhan ng malaki ang pagbabalik ni Enteng sa larangan ng pulitika sa darating na May elections. Kung tagilid si Eusebio, maging ang hepe ng pulisya roon na si Supt. Ernesto Catungal ay malapit na ring masibak dahil sa kautusan ni Presidente Arroyo na mahigpit na pagpatupad ng ‘‘three-strike,’’ policy. Kung sabagay, marami ng reklamo tayong natanggap laban kay Catungal at nararapat lang na siya ay masibak, di ba mga suki?

Kung bakit kasi pinauupo pa ng liderato ng PNP natin ang mga magreretiro na sa serbisyo katulad ni Catungal kaya’t hayan, hindi sila nakatulong para maiangat ang pagtitiwala sa kanilang sambayanan kundi maging pabigat pa, he-he-he! Hindi nag-iisa si Catungal, marami pa siyang kasamahan, di ba Sr. Supt. Samson ng San Juan? Halos parehas kasi ang problema nina Catungal at Samson, hindi nila makasundo ang kani-kanilang mga tauhan dahil sa MOE at intelihensiya sa pasugalan. Kapwa boksingero raw itong sina Catungal at Samson, ayon sa kanilang mga tauhan. Ano ba ’yan?

Ginawa ni Enteng ang kanyang pagyayabang sa mga kasamahan natin sa hanapbuhay noong hindi pa nasalakay ng mga tauhan ni AID-SOFT chief Dep. Dir. Gen. Edgar Aglipay ang mga shabu laboratory sa Barangays Santolan at Manggahan. Masaya si Enteng habang nakipagbalitaan nga dahil parang accomplishment rin niya ’yon bunga sa suspetsa ng marami na siya ang nagpapatakbo ng pamahalaan ng Pasig City kahit ang asawa ang legitimate na mayor. Hmmm. Intriga ’yan ha! Siguro gagamitin ni Enteng sa kanyang kampanya sa pagtakbo niyang muli sa pagka-mayor ang drug-free issue pero nadapa siya sa ginawa ng AID-SOTF. Drug-free raw eh pugad ng droga pala ang Pasig City, di ba mga suki? He-he-he! Kayong mga pulitiko talaga, panay bola. Kung sabagay, malapit nang husgahan ng taga-Pasig City si Enteng.

Ayon naman sa mga pulitikong nakausap natin sa Pasig, panahon na sigurong magising ang mga Pasigueño para mapalitan na ang mga Eusebio sa trono. Tama na ang apat na termino o 12 taon para sa kanila at sa tingin nila ay pagod na ang kanilang butihing ex-mayor. Hindi pa sinasabi kung sino ang makakalaban ni Enteng sa darating na halalan pero ang isa sa mga isyu na dapat sagutin niya ay matanda na siya at ulyanin na dahil matagal bago siya makaalala, anang mga kausap ko, he-he-he! Talagang nangangamoy na ang elections dahil maraming isyung naglalabasan, di ba mga suki?

At ano naman ang magiging papel ni Catungal para manalong muli si Enteng sa Mayo? Abangan.

BARANGAYS SANTOLAN

CATUNGAL

DRUGS SPECIAL TASK FORCE

EDGAR AGLIPAY

ENTENG

ERNESTO CATUNGAL

EUSEBIO

PASIG CITY

PASIG CITY MAYOR SOLEDAD EUSEBIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with