^

PSN Opinyon

Pagdating ng katapusan

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
KAPAG ang katapusan ng mundo ang dumating, maraming pangyayari ang magaganap. Ang mga tagasunod ni Jesus ay mapapahirapan. Subalit sila’y magpupunyagi. Basahin: Lukas 21:12-19.

"Ngunit bago mangyari ang lahat ng ito, darakpin kayo’t uusigin. Kayo’y dadalhin sa mga sinagoga upang litisin at ipabilanggo. At dahil sa akin ay ihaharap kayo sa mga hari at gobernador. Ito ang pagkakataon ninyo upang magpatotoo tungkol sa akin. Ipanatag ninyo ang inyong kalooban, huwag kayong mababalisa tungkol sa pagtatanggol sa inyong sarili; sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway. Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak, at mga kaibigan. At ipapapatay ang ilan sa inyo. Kapopootan kayo ng lahat dahil sa akin, ngunit hindi mawawala ni isang hibla ng inyong buhok. Sa inyong pagtitiis ay tatamuhin ninyo ang buhay na walang hanggan."


Ang mga kuwento ng napakaraming martir at mga bayani ng Kristiyanong pananampalataya ay nagpapakita na sa kanilang pagsaksi, ang kanilang mga katawan ay nagkapasa-pasa, ang kanilang mga buto ay nangadurog. Sila’y ipinakain sa mga mababangis na hayop, ang kanilang mga katawan ay nagkaluray-luray. Hindi naging mahalaga kung nawalan man sila ng hibla ng kanilang buhok, o nawala ang kanilang mismong buhay. Subalit sila’y nagpunyagi hanggang sa wakas. Punumpuno sila ng pag-asa. Talos nila na ang buhay dito sa mundo ay hindi ang wakas. May walang-hanggang buhay na naghihintay sa kanila.

BASAHIN

INYONG

IPAGKAKANULO

IPANATAG

KANILANG

KAPOPOOTAN

KAYO

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with