Collector 7 ng Batangas Customshouse
November 13, 2003 | 12:00am
SI Egay Lanzones ng Port of Batangas pala ang bagong hirang na Collector 7, siya pala ang binigyan ng basbas ng mga bugok na opisyal ng customs sa nasabing lugar para mangulekta ng pitsa sa mga kaduda-dudang shipments na binababa rito.
Matindi ang monitoring ng Anti-Smuggling Group ng Palasyo sa Batangas dahil tinitiktikan nila ang galaw ni Egay Lanzones.
Malikot sa aparato si Egay Lanzones oras na malingat ka katakut-takot na illegal ang papasok sa kanyang lugar.
May special assignment si Egay Lanzones sa Batangas.
Malalim ito, hindi biro.
Malaking pera ang kinulimbat ng grupo niya na dapat sana sa gobyerno mapunta.
Ika nga, kinakangkong ang buwis sa gobyerno.
Kasama ni Egay Lanzones si Michelle de luka-luka sa kanyang operasyon.
Ang grupo nila ang nagmamaniobra ng lahat ng mga illegal transaction sa Batangas.
Customs Commissioner Antonio Bernardo, Your Honor, take note!
"Sino ang padrino ni Egay Lanzones sa Bureau?" anang kuwagong urot.
"Ang grupo raw ni Bogart," sagot ng kuwagong haliparot.
"Sino siya?"
"Siya ang kamag-anak ng isang kamoteng politician," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
"Ano ang dapat gawin kay Egay Lanzones?"
"Marami nga ang nagtataka kung bakit hindi pa ito sinisibak ni Bernardo."
"Bakit ayaw aksyunan?"
"Sabi ko nga may malaking pitsang involved."
"Kaya pala marami ang nakikinabang."
"Tumpak ka, kamote!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended