^

PSN Opinyon

Hustisya o pulitka ?

PANAGINIP LANG - Nixon Kua -
NAGLABAS na ng final  desisyon ang Korte Suprema at kagaya ng sinabi ni Sir Senyor Don JOSE Miguel Arroyo ay tuloy nga ang kaso laban kay  Sen. Ping Lacson, ang no. 1 enemy ni Madam Senyora Donya Gloria at responsible sa pagbagsak ng ratings ng Pangulo  dahil sa pagbubulgar ng JOSE Pidal scam.

Apat na beses ibinasura ang kaso  laban sa grupo nila Lacson, kasama na riyan ang Korte Suprema  ukol sa pagpaslang sa mga miyembro ng kilabot na Kuratong Baleleng.  Ang grupong ito ang siyang pumaslang ng maraming ordinaryong taong walang kalaban laban makapa pang  holdap lang at manakawan   ang kahit sino.

Napakarami ng naging biktima ng kuratong at kasama  na riyan yung bagong graduate na nurse na naglalakad lang sa labas  ng SM Centerpoint na kanilang binaril.  Ang nurse na ito ay tinaguyod ng isang mahirap  na pamilya na umaasang siya ay makakatulong na sa  kanilang kinabukasan.  Sa isang iglap  tinapos ang pangarap ng biktima at pati na ang pag-asa ng buong pamilya.

Marami pang naging ibang biktima ang Kuratong at sana nga ay  maglitawan sila dahil karamihan daw ay natatakot pa rin dahil nga ang grupo pang pumigil sa sindikatong ito ang gustong ipakulong ng Korte Suprema.

Hindi natin pag-uusapan ang mga legal na aspeto nito  dahil hindi tayo abogado kaya nag-isip lang tayo ng ilang katanungan na nais nating sagutin ng sambayanan.  Mga tanong na madali nating sagutin at tiyak katanungan din at pinagtatalunan ng bayan.

Ang mga tanong natin ay pulitika ba ang dahilan sa desisyon ng Korte Suprema?  Pang-aapi ba ito laban  kay Lacson? At ang isa pang katanungan, nasaan ang karapatan  ng biktima ng Kuratong at iba pang krimen?

Kayo po ang sumagot, text lang sa 09272654341.
* * *
Lubos na kahihiyan  na ang nangyayari sa atin.  Di ko  malaman kung ito ay kamalasan o nagkataon na naman. 

Habang  nakikipagpulong  si Madam Senyora Donya Gloria sa Bali, Indonesia sa iba pang  mga pinuno ng mga bansang ASEAN ay nakatakas si Buyungan Bungkak, isang  miyembro ng Abu Sayyaf sa kanyang kulungan sa loob ng CIDG na pinamumunuan si Gen. Matillano.

Nakapang-agaw pa si Bungkak ng  armalite na kanya pang nagamit at naging dahilan upang  ikasawi ng tatlong pulis at injury ng tatlo pa.

Kasabay halos nito ay kidnapping na naman sa isang beach resort  sa Malaysia at siyempre gaya ng dati sa atin na naman dinala ang mga biktimang mga foreigner.  Bida na naman tayo at tiyak pinag-pipiyestahan  ng mga dayuhang media.  Sikat na naman tayo.  WOW  Philippines! Super adventure, kahit sa loob ng Camp Crame.  Doon na lang siguro ilipat ang Department of Tourism.

Noong bumisita ang Australian Prime Minister ay nakatakas at hanggang ngayon ay malaya pa ang teroristang Indonesian na si Fathur Roman Al Ghozi. Isang bagay na hanggang ngayon ay di tayo makaahon sa kahihiyan at ang may kasalanan daw, mga ordinaryong pulis.

Ngayon eto na naman, diyan pa rin si Ebdane, Matillano  at iba pang mga sikat na loyalista ni Madam.

Loyalty ba kay Madam ang basehan sa puwesto at kahit na katakut-takot na kapalpakan ay di na sisibakin.  Ayaw nating maniwala, pero kitang kita na natin, tingnan n’yo pati si dating Sec. Angelo Reyes promoted at ambassador na ngayon.  Dati  ay Honorable ngayon  at Excellency.  Si  Victor Corpus mula ISAFP to  Community Relations.  Sarap talaga.  Iba na ang loyal. 
* * *
Bukas-sara ang kaso, nasaan na ang kredibilidad ng korte suprema at ang paging malaya nito (sa impluensya ni MACAPIDAL) kawawang judiciary/PILIPINAS. –09183538585; Mas convincing sana c PGMA kung nag-ala Miriam Santiago cya nun Sabado sa pagsasabi ng "I lied!" sabay tawa nang malakas, HA-HA-HA!. –09162318208;

Gloria maawa k n  wag k nang 2makbo alam mo bang  s admin mo  nangyari mga titser isinanla ang atm card hanggang 6 bwan, kilabutan ka. –09164784679; Ang mga bugok na pulitiko at mga ordinaryong tao na magaling lang mamintas ay iisa, wala ng naitu2long nakpperwisyo pa. –09205838278;

Masaya c jose pidal sa pagtakbong muli ni GMA para 2loy 2loy relasyon nila ni Victori Toh. –09166113793; Kaya kkandida2 c GMA dahil klang pa ang  kbyo nla ni  JOSE PIDAL. –09163610874;

Gma tatakbo para 2loy 2loy daw, 2loy 2loy pagtaas ng kuryente, 2big, bilihin, kdnapping, holdap, pagubos pondo  gsis etc. –09176310744; Ang msa2bi k lng kay pngulng arroyo wla  cyang wrd of honor. –09162587430;

Aky isang 3cycle driver d2 s isang bayan sa btangas. Dti mlakas ang byahe d2 pro ng mnungkuln n c pgma hmina n ang byahe pti motor k nkabig n. –09262929837; Anong itutuloy na programa sinasabi ni pgma? Baka programa para lalong maghirap ang masang pilipino at programa para lalong dagdagan pera ni jose pidal. –09208357733;

Gma ka2lad cya  ng kanyang ama cnungaling  d tatakbo nagbago isip dhil kay jose pidal. –85292001945; Nagdeklara na po c madam glo na tatakbo kc dmi naman nlang kabayong benili mula Australia. –09205758154;

Kya gus2 ni gma na 2makbo dahil pag nawala  cya sa pwes2 lagot c jose pidal. –09197697498; Pgbgyan ntin lola GLO bsta ala dyaan 2loy 2loy n pu2lutin s kngkungan. –09173593280.
* * *
Para sa anumang reaksyon, mag-e-mail lang sa [email protected] o kaya’y mag-text sa 09272654341. Mapapakinggan  n’yo rin ang inyong lingkod sa DZEC 1062 mula 4:30 hanggang 6:00 ng hapon tuwing Lunes at Miyerkules.

vuukle comment

2LOY

ABU SAYYAF

ANGELO REYES

AUSTRALIAN PRIME MINISTER

KORTE SUPREMA

MADAM SENYORA DONYA GLORIA

PANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with