^

PSN Opinyon

Ang pagpapahayag ng pananalig

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
NAIS malaman ni Jesus mula sa kanyang mga alagad kung ano ang iniisip ng mga tao tung- kol sa kanya. Iba’t ibang sagot ang natanggap niya. Ibinigay ni Lukas ang palitan ng mga tanong at sagot (Lk. 9:18-22).

Isang araw, samantalang nananalanging mag-isa si Jesus, lumapit sa kanya ang kanyang mga alagad. Tinanong niya sila, "Sino raw ako ayon sa mga tao?" Sumagot sila, "Ang sabi po ng ilan ay si Juan Bautista kayo; sabi naman ng iba, si Elias kayo, at may nagsasabi pang nabu-hay ang isa sa mga propeta noong una." "Kayo naman, ano ang sabi ninyo?" tanong niya sa kanila. "Ang Mesias ng Diyos!" sagot ni Pedro.

Itinagubilin ni Jesus sa kanyang mga alagad na huwag na huwag nilang sasabihin ito kaninuman. At sinabi pa niya sa kanila, "Ang Anak ng Tao’y dapat magbata ng maraming hirap. Itatakwil siya ng matatanda ng bayan, ng mga punong saserdote at ng mga eskriba. Ipapapatay nila siya, ngunit sa ikatlong araw ay muling mabubuhay."


Ang sagot ni Pedro ay tama. Si Jesus nga ang Mesias. Subalit nais linawin ni Jesus sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng pagiging Mesias. Ang Mesias ay dapat magbata ng hirap at mamamatay. At sa bandang huli ay mabubuhay na mag-uli. Naunawaan lamang ito ng mga alagad pagkatapos ng Pasyon ni Jesus at ng kanyang pagkabuhay na mag-uli.

Mahalaga para sa mga alagad na matutunan ang aral na ito. Mahalaga rin para sa atin na matutunan ang aral na ito sa ating sariling Kristiyanong pamumuhay.<

vuukle comment

ANG ANAK

ANG MESIAS

DIYOS

ELIAS

JUAN BAUTISTA

MAHALAGA

MESIAS

SI JESUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with