^

PSN Opinyon

May magmamalasakit sa biktima ng krimen

SAPOL - Jarius Bondoc -
ISA ako sa daang-libong nakatanggap ng e-mail tungkol kay Maureen Pizarro. (Ayon sa statistics, 200,000 Pilipino ang naka-Internet; triple pa kung kabilang ang OFWs.) Miski nakaka-kilabot ang kuwentong kidnap, hindi ko agad pinansin. Marami kasing hoax na lumalabas sa Internet-di lang mga pekeng lotto o urban legends.

Nagkataong napasyal ako sa isang intelligence unit ng gobyerno nu’ng araw na ‘yon. Abala sila sa pag-rescue kay Maureen.

Ayon sa kumalat na e-mail mula kay Kenneth Vincent, kinidnap daw ang dalagitang kapatid nu’ng Sept. 7, 7:30 p.m., sa Hidalgo exit ng Quiapo underpass. Kasa-shopping at kasisimba lang nila ng nanay at isa pang babaing kapatid. Matao sa underpass, mabilis ang mga pangyayari. May humarang na mga lalaki sa nanay na nauuna paakyat ng hagdan. Biglang napabitiw si Maureen at sumigaw ng "Jan". Lumingon si Janice pero napabitiw na ang kapatid. Dalawang oras nilang hinanap. Tila takot na ayaw sumagot ang sidewalk vendors na napagtanungan. Nag-iwan ng photo ni Maureen at cellphone number si Kenneth, habang humihingi ng tulong sa lahat ng makababasa.

Nabasa rin ng intel unit ang e-mail. Kinontak nila agad ang nanay. Inusisa kung may suitor o boyfriend si Maureen. Lumipas ilang araw, tumawag ang dalagita sa nanay; nasa Davao raw siya. Inalam ng intel unit lahat ng bumiyahe pa-Davao sa barko o eroplano nang mga lumipas na araw. Ilang araw pa, tumawag si Maureen sa tiyahin at nagpasundo.

Nagpunta sa NBI ang pamilya. Galit ang Manila police dahil hindi pinansin ang imbestigasyon nila. Balita sa radyo, nagtanan lang. Pero sabi ng intel unit, tulala pa si Maureen at walang nasabing tanan.

Pakiusap ng intel unit, huwag na silang banggitin sa dyaryo. Pero inaalam pa nila kasalukuyan kung ano talaga ang nangyari sa dalagita na nais mag-commercial model. Hinihintay lang nila ang go-signal ng mga doktor. Ako naman, sinusundan na ngayon ang mga ulat ng krimen sa Internet.

Baka totoo, tulad ng susunod na kuwento.

(Itutuloy bukas.)

ABALA

AYON

BIGLANG

DALAWANG

DAVAO

GALIT

KENNETH VINCENT

MAUREEN

MAUREEN PIZARRO

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with