Kaso ng lumubog na barko
September 9, 2003 | 12:00am
ANG MV PPG, isang cargo vessel ay pagmamay-ari ng MSS Marines Services Inc. (MMS). Shipping agent nito si David. Sa pamamagitan ng ahensya ni David, kinontrata ng San Miguel Corp. (SMC) ang MMS para dalhin nito ang mga kahon ng beer na nagkakahalaga ng P5.8 milyon mula Mandaue, Cebu patungong Bislig, Surigao del Sur. Dahil ang barko ay nasa maayos na kundisyon at sapat ang kakayahan nitong bumiyahe patungong Surigao, binigyan ito ng Coast Guard ng clearance. Lisensyado at may sapat na karanasan ang kapitan at mga tauhan ng barko. Naka-insured din ito sa AIG Insurance Corp. (AIG).
Kinumpirma muli ng Coast Guard, bago pa man lumayag ang barko, na maaliwalas ang panahon at hindi naman overloaded ito sa kargamento. Subalit kinagabihan sa ikalawang araw ng paglalakbay, napansin ng kapitan na lumakas ang hangin at umabot ang taas ng alon mula sa seven hanggang 10 feet. At dahil sa patuloy na pagbugbog ng malakas na alon sa barko, nagkaroon ito ng butas.
Kaya agad na pinagana ang suction valves upang ilabas nito ang tubig-dagat ngunit huli na ang lahat dahil mas malaki ang pumapasok na tubig sa barko. Mayamaya pa ay lumubog na ang barko kasama ang P5.8 milyon na halaga ng San Miguel Beer.
Samantala, binayaran ng AIG ang SMC at kasunod nito ay sinampahan ng kaso ang MMS at si David upang bawiin ang naibayad nila sa SMC. Iginiit ng AIG na ang MSS bilang common carrier ay inaasahang gumamit ng ekstra-ordinaryong pag-iingat, kaya nang mangyari ang nasabing insidente, ipinalalagay ng batas na nagkaroon ito ng kapabayaan. Tama ba ang AIG?
HINDI. Ang pagpapalagay ng kapabayaan ay hindi maiisaalang-alang kapag ang naging sanhi ng paglubog at pagkawala ng kargamento ay isang kalamidad at kung saan napatunayan namang gumamit ang barko ng kinakailangang pag-iingat upang maiwasan ito bago pa man dumating hanggang sa pagkatapos nito.
Sa kasong ito, napatunayan ang naging pagkumpirma ng Coast Guard sa MSS na lumayag dahil maaliwalas sa na panahon at sa kakayahan nitong magdala ng nasabing kargamento. Ang malalakas na hangin at alon na siyang sumira sa barko ay sanhi ng kalamidad sa Surigao. Ang kalamidad ay isang di inaasahang pangyayari o kung malaman man hindi ito maiiwasan.
Kaya, walang pananagutan ang MSS at si David sa nangyaring insidente (Philamgen vs. MCG Marine Services et . al. G.R. 135645, March 8, 2002).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended