^

PSN Opinyon

Naiibang medical device treatment

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
NOONG Miyerkules ay tinalakay ko ang Jade Nano-Cera Mattress at narito pa ang karagdagang impormasyon doon.

Personal kong nasaksihan ang ilang pasyente ni Dr. Romy V. Orteza na sumasailalim sa naiibang treatment na gamit ay ang Jade Nano-Cera Mattress. Inamin ng mga pasyente na nakadama sila ng malaking pagbabago sa karamdamang taglay nila. Isang taga-Malabon na may arthritis ang nagtapat na sa one-hour therapy niya habang nakahimlay sa natatanging mat na nakapatong sa kama ay kakaibang ginhawa ang kanyang nadama. Gayundin ang sinabi ng ibang pasyente na may migraine, asthma, rayuma at nahihirapan sa pag-ihi.

Sinabi ni Dr. Orteza na pangunahing layunin ng kanilang Welness Clinic ay ang lubusang paggaling ng mga pasyente at ang kanilang session ay depende sa klase ng karamdaman at kondisyon ng bawat isang pasyente na habang nakahimlay sa Jade Nano-Cera Mattress ay lalong nare-relax ng inspirational Christian music. Binibigyan din ng libreng oatmeal at iba pang food supplement ang mga pasyente. Ayon pa kay Dr. Orteza, malapit na silang magbigay ng free clinic at magsasagawa rin ng outreach program sa pakikipag-ugnayan ng mga barangay sa Kamaynilaan at magiging nationwide na sa hinaharap.

Ang Naturistic Alternative Center, a helping hand for healthy living, ay matatagpuan sa Rm. 110 Cedar Mansion 2 Bldg., Escriva Drive, Ortigas, Pasig City, tel. 6343928. Nagsasagawa rin sila ng accupuncture, accupressure therapy massage na layunin ay ang ma-detoxify at may kasama pang sauna para pagpawisan ang pasyente. Sinabi niya na kapag hindi pinagpapawisan ang tao ay delikado dahil apektado ang kidney. Nagki-klinika rin si Dr. Orteza sa R. R. Rejuvenation Welness Clinic na nasa ground floor ng Santa Teresita General Hospital sa D. Tuazon, Quezon City, tel. 7438767 (c/o Lorna). Sinabi ni Dr. Orteza ang mga klinika nila ay bukas hindi lang para sa mayayaman kundi maging sa mahihirap na may karamdamang mapapagaling ng Jade Nano-Cera Mattress.

vuukle comment

ANG NATURISTIC ALTERNATIVE CENTER

CEDAR MANSION

DR. ORTEZA

DR. ROMY V

JADE NANO-CERA MATTRESS

PASIG CITY

PASYENTE

QUEZON CITY

REJUVENATION WELNESS CLINIC

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with