^

PSN Opinyon

Rent-a-carnap connection sa LTO, TMG Pampanga

BAHALA SI TULPO - BAHALA SI TULPO Ni Ben Tulpo -
NAGING mainit na balita sa mga telebisyon at pahayagan ang RENT-A-CAR SCAM o RENT-A-CARNAP.

Kamakailan, 144 na sasakyan daw ang mga na-recover ng Special Operations Group TASK FORCE JERICHO sa ilalim ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Isang "massive manhunt"daw ang pinag-utos ng TASK FORCE JERICHO sa pinaghihinalaang utak ng sindikato na si AMINAH MACUSI na umano’y asawa ni Police Colonel RONALDO MACUSI.

Ito ang naging dahilan at nagtulak sa aming investigative team sa TV, ang BITAG, para tapusin ang aming sinimulang imbestigasyon laban sa sindikatong ito nung buwan ng Abril pa.

Estilo ng sindikatong ito rentahan ang mga sasakyan mula sa mga rent-a-car companies. Nagagawa ng mga ito isangla ang mga sasakyang na kanilang nirentahan sa mga casino financiers.

Nabebenta rin ng mga sindikatong ito ang mga sasakyan sa tulong ng kanilang mga koneksyon sa loob ng Land Transportation Office (LTO) maging sa Traffic Management Group (TMG).

Para sa BITAG, maliit na isda lang si AMINAH MACUSI. May mga malalaking tao sa itaas niya.

Napag-alaman ng BITAG, wala pang isinasagawang pormal na imbestigasyon ang TASK FORCE JERICHO dahil nauna pa ang pagpapapogi nila sa media sa pagkakarecover daw ng 144 na mga sasakyan na "drawing" lang pala.
* * *
Sa kauna-unahang pagkakataon ekslusibo sa BITAG ngayong Sabado sa ABC-5 mapapanood 5:00-5:30 ng hapon, direktang idinadawit si Colonel MACUSI ng kanyang lower classman na graduate din sa Philippine Military Academy, sa sindikatong nasa likod ng RENT-A-CARNAP.

Ayon sa Junior Mistah nitong si Colonel MACUSI na si Navy Lieutenant Eduard Prades isa siya sa mga nabiktima ni AMINAH MACUSI na nagpakilalang DULCE MACUSI.

Mismong si Colonel MACUSI raw ang nagseset ng appointment sa kanila ni AMINAH para aregluhin ang problema. Alam daw ni Colonel MACUSI ang mga illegal na gawain ni DULCE kaya’t pati si Colonel nakikiusap na rin kay Lieutenant PRADES.

Nakapagtatakang lahat ng mga dokumentong ipinakita sa BITAG ni Lt. PRADES ay illegal na ginawa sa LTO at TMG Pampanga. Napalitan pati ang pangalan ng orihinal na nagmamay-ari ng sasakyan na si Lt. PRADES sa official receipt (OR).

Mapapansin ang dalawang pirma ni Colonel Elmer Soria na parehong-pareho sa pirma na nasa pekeng OR-CR ng ibinentang Crosswind.


Panoorin ang buong detalye, eklusibo sa BITAG lamang na hindi n’yo mapapanood sa anumang television network ngayong Sabado, 5:00-5:30 ng hapon sa ABC-5.
* * *
Para sa mga tips, reklamo’t sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: 0918-9346417 at sa telepono 932-5310 / 932-8919.

COLONEL

COLONEL ELMER SORIA

JUNIOR MISTAH

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MACUSI

NAVY LIEUTENANT EDUARD PRADES

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with