^

PSN Opinyon

Ang kaligtasan at pagkilala kay Jesus

ALAY DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
MARAMI sa atin ang mga Kristiyano at Katoliko. Nabinyagan tayo. Hayagan nating sinasabing tayo’y mga Kristiyano. Subalit nakakalungkot sabihin na kakaunti ang nalalaman natin tungkol kay Jesus.

Sa Ebanghelyo sa araw na ito, hinahamon ni Jesus ang mga Judio. Akala nila’y kilala nila kung sino si Jesus. Kung saan siya nanggaling. Sinabi ni Jesus sa kanila ang katotohanan tungkol sa kanyang sarili. Subalit tinanggihan nila siyang tanggapin o ang katotohanang ipinapahayag niya (Jn. 7:1-2, 10, 25-30).

"Pagkatapos nito, nilibot ni Jesus ang Galilea; iniwasan niya ang Judea, sapagkat ibig siyang patayin ng mga Judio roon. Nalalapit na ang Pista ng mga Tolda, isang pista ng mga Judio.

"Pagkaalis ng kanyang mga kapatid, si Jesus ma’y pumunta rin sa pista, ngunit hindi hayagan.

"Sinabi ng ilang taga-Jerusalem, ‘Hindi ba ito ang taong gusto nilang patayin? Hayan! Lantaran siyang nagsasalita, ngunit wala silang sinasabi laban sa kanya! Baka naman nakilala ng mga pinuno na siya nga ang Mesias!

Walang makaaalam kung saan magmumula ang Mesias pagparito niya, ngunit alam natin kung saan nagmula ang taong ito!’

"Kaya’t nang nasa templo si Jesus at nagtuturo, malakas niyang sinabi, ‘Ako ba’y nakikilala ninyo? Alam ba ninyo kung saan ako nagmula? Hindi ako naparito sa ganang akin lamang. Ang Totoo ang siyang nagsugo sa akin, ngunit hindi ninyo siya nakikilala. Nakikilala ko siya, sapagkat ako’y mula sa kanya, at siya ang nagsugo sa akin.’ Tinangka nilang dakpin siya; ngunit walang nangahas, sapagkat hindi pa niya oras. Marami sa mga tao ang nanalig sa kanya. Ang sabi nila, ‘Pagparito ng Mesias, makagagawa kaya siya ng mga kababalaghang higit pa sa mga ginawa ng taong ito?’"


Nakaatang sa mga pari, mga katekista at mga gurong nagtuturo ng relihiyon na tulungan tayong matutunan kung sino si Jesus. Ang homiliya ng mga pari ay dapat nakapagbibigay-liwanag. Kailangan itong kaakit-akit upang mas naisin ng mga nakikinig na higit na kilalanin si Jesus. Ganoon din sa mga katekista at mga nagtuturo ng relihiyon. Subalit ang bawat Kristiyano o Katoliko ay dapat tunay na pagpunyagian na makilala si Jesus.

Basahin ang mga Ebanghelyo. Pakinggan ang mga salita ni Jesus. Tingnan kung paano siya gumawa ng mga himala. Samahan siya sa kanyang pasyon. Matuwa o magalak sa kanyang pagkabuhay na mag-uli. Ganito ang paraan nang paglago sa pagkakilala kay Jesus.

ANG TOTOO

JESUS

JUDIO

KATOLIKO

KRISTIYANO

KUNG

MESIAS

SIYA

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with