^

PSN Opinyon

Ang sagot ng Pasay City Hall

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
SA ngalan ng patas na laro, narito ang sagot ng Pasay City Hall sa aking naisulat na kolum nitong nakaraang Biyernes, Pebrero 21 na ang pamagat ay ‘‘Diplomatic kotongan sa Pasay City Hall.’’

Matatandaan, pinaabot namin kay Pasay City Mayor Peewee Trinidad ang mga kabalbalang pinaggagagawa ng kanyang mga tauhan sa Tourism at Engineering Departments.

Nagawa naming mai-tape ang usapan ng aming undercover at ng mga pinangalanan namin na sangkot sa ‘‘pangongotong’’ sa pamamagitan ng mga ‘‘penalty fees’’ at other charges kuno.

Nakumpirma namin ito matapos magsumbong ang isang nagrereklamong may-ari ng isang establisimiyento sa Pasay.

Nitong nakaraang Biyernes din, natanggap namin ang isang e-mail mula sa city administrator ng Pasay na si Atty. Ernestina Bernabe-Carbajal matapos nilang mabasa ang aming kolum.

Sa kasagutang ito, nagpapatunay lamang na ang gawaing ito’y hindi nila kinukunsinte kung kaya’t kasalukuyan daw sila ngayong gumagawa ng imbestigasyon.

Hinihiling nila sa Imbestigasyon ng BAHALA SI TULFO na mapakinggan ang bahagi ng tape na aming pinanghahawakan. Gagamitin daw nila itong basehan sa kanilang imbestigasyon.

Dear Mr. Tulfo,


This refers to the article that came out in your column today entitled ‘‘Diplomatic Kotongan sa Pasay City Hall.’’

The Honorable Mayor Atty. Wenceslao B. Trinidad has directed our office to conduct an immediate investigation on the alleged misconduct of two (2) Pasay personnel, which you have detailed in your article. Relative to the investigation, we would like to request from your office a copy of the taped conversations, which shall form part of the evidence that will be used against the personnel involved.

Thank you for bringing to our attention this urgent matter. Rest assured disciplinary actions shall be imposed on the personnel involved should they be proved guilty of such misconduct.

Thank you.


Very truly yours,
ATTY. ERNESTINA BERNABE-CARBAJAL


City Administrator
* * *
Para sa mga tips, reklamo’t sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito: 0918-9346417 at sa telepono 932-5310/932-8919. Magbasa ng Pang-Masa (PM) tuwing Martes, Huwebes at Sabado Makinig sa DZME 1530 Khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. At panoorin ang ‘‘BITAG’’ sa ABC-5, tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.

E-mail us: [email protected]

BIYERNES

CITY ADMINISTRATOR

DIPLOMATIC KOTONGAN

ENGINEERING DEPARTMENTS

ERNESTINA BERNABE-CARBAJAL

HONORABLE MAYOR ATTY

MR. TULFO

PASAY

PASAY CITY HALL

PASAY CITY MAYOR PEEWEE TRINIDAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with