^

PM Sports

Himala at tagumpay ng Mapua sa NCAA Season 100

Russell Cadayona - Pang-masa
Himala at tagumpay ng Mapua sa NCAA Season 100
Ang NCAA Season 100 champions Mapua Cardinals.
NCAA photo

MANILA, Philippines — Matapos ang 33 taon ay muling nagdiwang ang Mapua University nang angkinin ang Season 100 NCAA men’s basketball championship.

Ngunit hindi ito naging madali para sa Cardinals na winalis ang top seed College of St. Benilde Blazers, 2-0, sa kanilang best-of-three title series.

Kinailangan nilang kalimutan at bumangon mula sa naunang kabiguan sa San Beda University sa Season 99 Finals.

“Hindi sa lahat ng coaches naibibigay ito, at naibigay sa akin ‘yung blessing na nag-champion ako as a player at nag-champion ako as a coach,” ani coach Randy Alcantara na bahagi ng champion team ng Mapua noong 1991 tampok ang game-winning putback ni Benny Cheng sa Game Three laban sa San Beda.

Dinagit ng Cardinals ang Blazers sa Game One, 84-73, bago tuluyang walisin sa Game Two, 94-82, para iposte ang 12-game winning streak patungo sa kanilang ikaanim na NCAA title sa kabuuan.

Muntik nang hindi maka­balik ang 52-anyos na si Alcantara sa bench ng Mapua matapos magkaroon ng problema sa kanyang cervical spine sa second round ng Season 99.

“Nagpapasalamat talaga ako at nalagpasan ko ‘yun. Cervical, delikado sa leeg pa at naka-recover naman ako nang kaunti,” ani Alcantara makaraan ang kanyang surgery bago magsimula ang Season 100.

Nagpasalamat din si Alcantara kay star guard Clint Escamis na bumira ng 33 points sa Game One at 18 markers sa Game Two patungo sa pagkopo nila sa korona.

“Sobrang sarap kasi knowing na nakuha ko ‘yung MVP last year pero wala, talo kami. So masakit sa puso ko talaga kasi somehow, ako lang ‘yung masaya eh,” ani Escamis sa pagkatalo ng Cardinals sa Red Lions sa Season 99 NCAA Finals.

Ang back-to-back championship ang tututukan ng Mapua sa NCAA Season 101 sa susunod.

“Sa amin, ‘yung recruits namin next year talagang solid. Mas makakatulong sa amin for back-to-back titles,” wika ni second year guard Cyrus Cuenco.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with