^

PSN Opinyon

Sexy actress nakapiling ni Sultan Bolkiah ng 4 na oras

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang nakapiling ni Sultan Bolkiah ng Brunei ang isang sexy actress sa loob ng apat na oras?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay National Security Adviser Roilo Golez, Gov. Leandro Verceles Jr. ng Catanduanes; Rep. Rolex Suplico ng Iloilo; Rep. Ma. Catalina "Nene" Loreto-Go ng Leyte at Gary Huang.

Happy 20th anniversary sa Sto. Niño de Novaliches.
* * *
Alam n’yo bang itinirik muna ni Sultan Hassanal Bolkiah ang kanyang "bandila" bago bumalik sa kanilang bansa noong nakaraang linggo?

Ayon sa aking bubuwit, itinirik ni Bolkiah ang kanyang "bandila" sa isang maganda at seksing aktres.

Nag-short time muna si Bolkiah sa isang five-star hotel bago lumipad pabalik ng Brunei. Nakatakda sana siyang lumipad noong January 29, dakong 9:20 a.m. subalit ipina-delay ang kanyang flight. Nag-stay muna sa isang five-star hotel ng apat na oras sapagkat may nai-deliver sa kanyang maganda at seksing aktres.

Ayon sa aking bubuwit, ang seksing idineliber kay Bolkiah ay maganda at bata pa. Kung magkano ang ibinayad kay sexy actress ay hindi nalaman ng aking bubuwit.

Ang natiyak lamang ng aking bubuwit ay masaya ang mga taga-Presidential Security Group (PSG) na nagsilbing security ni Bolkiah sapagkat sila ay binigyan ng tig-$1,000.

Ibig sabihin niyan mga misis ng mga taga-PSG, tumataginting na P53,000 ang balato sa kanila ni Bolkiah.

Pero sabi ng aking bubuwit, siguro nagtitipid na rin si Bolkiah ngayon sapagkat payat pala yung $1,000 na tip niya.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, kung $1,000 ang ibinigay ni Bolkiah sa mga taga-PSG, hindi naman siguro $1,000 lamang ang ibinigay kay sexy actress di ba?

Magkano nga kaya ang ibinayad kay sexy actress?

Ang tanong pa ng mga pilyong taga-PSG ay kung nakailang round daw si Bolkiah.

At kung gumamit daw ba ng condom si Sultan.

Sabi naman ng aking seksing bubuwit, kung siya raw si actress, hindi raw siya magpapagamit ng condom upang maiwanan ng remembrance ni Bolkiah.

Malalahian na siya ng Royal blood, magkakaroon pa siya ng sustento kay Bolkiah.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang sexy actress na nakapiling ni Sultan Bolkiah ng apat na oras ay walang iba kundi si...

Siya ay maganda, maputi at makinis. Hindi nga lang orig ang kanyang mga bumpers sapagkat pinaretoke niya nang pumalaot sa larangan ng mga naghuhubaran sa pelikula.

Actually, nang mag-bold siya ay marami ang nagulat dahil bata pa ito at wholesome ang kanyang image noon.

Ang sexy actress na nakapiling ni Sultan Bolkiah ng apat na oras sa isang five-star hotel ay si actress P.R. as in Pacific Region.

vuukle comment

ACTRESS

AKING

AYON

BOLKIAH

BRUNEI

BUBUWIT

GARY HUANG

LEANDRO VERCELES JR.

SULTAN BOLKIAH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with