^

PSN Opinyon

National Statistics Office: Bulok ang serbisyo!

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
NGAYONG gusto na ni President Gloria Macapagal-Arroyo na isantabi na ang pulitikahan, dapat lamang na isaalang-alang niya sa pagpapatakbo ng pamahalaan ang pagbibigay ng serbisyong totoo sa mamamayan.

Hindi masasabing pagseserbisyong totoo sa taumbayan kung ang mga tanggapan ay matatagpuan sa mga gusali na hindi kanais-nais sapagkat napakarumi at mabaho. Ang iba pa nga ay sira-sira na at malapit nang gumuho. Ang tanging pinanggagalingan ng hangin ay ilang electric fan na pinaglumaan na ng panahon.

Ang isa sa mga tinutukoy ko ay ang National Statistics Office na nasa EDSA, Quezon City. Nasa mabahong gusali ang NSO na halos ay hindi ka na makahinga lalo na kapag napuno na ang mga tanggapan ng mga tao at nagsisiksikan.

Ang masakit nito ay pipila ka sa labas sa ilalim ng init at ulan kapag minalas kang dumating na napakarami na ang mga taong nakapila. Ito marahil ang dahilan kung bakit maraming mga fixers ang nagkalat sa labas na kukulit sa iyo upang sila na ang mag-follow-up sa mga pangangailangan sa loob. Siyempre, hindi ito libre. Sa parking pa lang tatagain ka na. Sa loob, sasalubungin ka ng mga clerk na hindi ngumingiti man lamang at maiinit ang ulo.

Ang NSO ay isa lamang sa mga opisina ng gobyerno na pinupuntahan ng taumbayan. Katungkulan ng gobyerno na mapangalagaan ang kalagayan ng taumbayan. Ayusin ang paghahatid ng serbisyo sa pamamagitan ng karapat-dapat at kaaya-ayang kapaligiran.

vuukle comment

AYUSIN

KATUNGKULAN

LAMANG

NATIONAL STATISTICS OFFICE

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

QUEZON CITY

SIYEMPRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with