^

PSN Opinyon

Hiniram ang kotse hindi na isinauli

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
KASO ito ng magkaibigang Rudy at Dennis. Pareho silang mahilig sa target shooting pati na rin sa iba’t ibang negosyo. Hanggang dumating ang panahong nagkautang si Dennis kay Rudy ng P800,000.

Isang araw, pumunta si Dennis kina Rudy upang i-test drive ang kotse ng huli at dahil magkaibigan sila, pumayag si Rudy. Makalipas ang ilang oras, hindi pa rin isinauli ni Dennis ang kotse. Sa loob ng pitong buwang hawak ni Dennis ang kotse ni Rudy, maraming beses na tinanggihan ni Dennis ang mga tawag sa telepono at pagbisita ni Rudy. Ipinarehistro na lamang ni Rudy ang kotse sa pangalan ni Dennis sa tulong ng LTO dahil naniniwala siya na maibabalik din ni Dennis ang kotse. Anim na buwan pa ang lumipas nang muling makita ni Rudy ang kanyang kotse na nakagarahe sa bodega ni Dennis at nasa unang estado ng pagkakalas dito. Pagkalipas ng isang buwan, nagsampa ng reklamo si Rudy laban kay Dennis ng carnapping.

Itinanggi ni Dennis ang reklamo sa kanya ni Rudy. Binibili raw niya ang kotse kay Rudy subalit hindi naaprubahan ang kanyang loan sa banko. Gayumpaman, kinasuhan pa rin ng Korte si Dennis. Ayon sa Korte, ang hindi pag-sauli ni Dennis ng kotse at ang halos pag-dispalko niya nito ay isang illegal na pagkuha. Tama ba ang Korte?

Mali.
Ang carnapping ay ang pagkuha ng isang sasakyang de motor na may layunin na gamitin ito na walang pahintulot ang may-ari, nasaktan man o hindi ang may-ari ng sasakyan o kinuha ang sasakyan ng puwersahan. Kailangan din ang pagkuha sa sasakyang de motor ay may intensiyon na hindi na ito isasauli sa may-ari.

Sa kasong ito, may pahintulot si Rudy sa pagkuha ni Dennis ng kotse. At sa loob ng pitong buwan, hinayaan ni Rudy ang kotse niya sa kamay ni Dennis. Anim na buwan nang muli niya itong makita at nasa estado na ng pagkakalas, naghintay pa rin siya ng isang buwan bago magsampa ng reklamo. Ang kanyang paniniwala na isasauli pa rin ni Dennis ang kotse dahil magkaibigan sila ay taliwas sa kanyang paniniwalang na-carnap ang kanyang kotse.

Ang mga aksiyon ni Rudy mula nang pinahintulutan niya si Dennis hanggang sa huling sandali ay malinaw na kahit siya mismo ay hindi naniniwalang na-carnap ang kanyang kotse (Tan. vs. People of the Philippines G.R. No. 135904 January 24, 2000).

AYON

BINIBILI

DENNIS

GAYUMPAMAN

HANGGANG

KORTE

KOTSE

PEOPLE OF THE PHILIPPINES G

RUDY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with