75-anyos lola na abortionist, 2 pa tiklo
MANILA, Philippines — Tatlo katao kabilang ang isang 75-anyos na lola ang inaresto ng mga otoridad kaugnay ng pagkakasangkot sa illegal na abortion o paglalaglag ng mga sanggol sa entrapment operation sa Cebu City.
Kinilala ang nasakoteng lola sa alyas na “Amparo”, isang lalaking umaaktong middleman at ang driver nila sa isang inn sa Brgy. Carreta, Cebu City kung saan isasagawa umano ang abortion.
Inamin naman ni Amparo na wala siyang medical background pero nakapagtrabaho umano sa isang klinika at nagagawa lamang ang aborsiyon dahilan sa kahilingan ng babaeng hindi pa handang maging ina kabilang ang ilang mga kolehiyala at mga aksidenteng nabuntis na sinisingil nila ng P40,000.
Ang illegal na aktibidades ng grupo aynamonitor ng pulisya sa isang Facebook page kung saan nag-aalok ang mga suspect ng illegal na serbisyo sa aborsiyon.
- Latest